Unspoken Poetry #32-Sana

6 0 0
                                    

"SANA"

Sana yung taong pinaglalaban mo, ay pinaglalaban ka rin.
Sana kung anong higpit ng pagkapit mo, ay siya ganon rin.
Sana kung sino yung hinihintay mo, ay makakaya ka din hintayin.
Sana kung sino yung mahal mo, ay nagagawa ka rin mahalin.

Sana hindi umabot sa punto na masasabi mong "sana ako na lang ulit?"
Dahil kailanman hindi ka naman talaga kaya niyang ipagpalit.
Na hindi na magiging interesado sa bagong darating,
Dahil sayo pa lang siya'y panatag at kuntento na rin.

Sana sa panahon na kayo'y pagtagpuin,
Bawat oras at segundo ay di sasayangin,
Ang isa't isa ang siyang tungo at dalangin,
Sana'y manatili at hindi lilisanin.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon