Unspoken Poetry #2-Paano magmove-on?

66 2 0
                                    

"PAANO MAGMOVE-ON?"

"Simulan mo sa sarili mo, sa pagtanggap na wala na talaga kayo."

Gaano ba kadali na kalimutan ang lahat?
'Yong buong pagmamahal mo ibinigay mo na pero hindi parin pala sapat.
Gaano ba kabilis na itapon ang pinagsamahan?
'Yong akala mong panghabangbuhay na pero bigla ka din naman iniwan.

Paano nga ba magmove-on kung patuloy parin ang pagkapit mo,
Sa pag-asang ang lahat ng nawala ay maibabalik pa sa iyo?
Paano nga ba magmove-on kung kinukulong mo ang sarili mo,
Sa taong binigyan mo ng halaga pero nagawa ka parin na isuko?

Marahil sa ngayon ay nasasaktan ka pa,
Nahihirapan ka pang tanggapin na ang lahat ay nagbago na.
'Yong tipong lahat ng nakasanayan mo ay bigla na lang nawala,
'Yong tipong ang akala mong siya na, ay nanatiling akala mo lang pala talaga.

Umpisahan mo ngayon sa sarili mo,
Iwasan mo ang mga bagay na makapagpaalala sayo,
Bigyan mo ng oras ang sarili mo,
Siya man ang tinuring mong mundo ngunit ngayon sarili mo naman ang isipin mo.

Hayaan mo siyang lumayo at iwan ka,
Dahil kung totoong mahal ka niyang talaga, mananatili siya.
Kung hindi na siya sayo bakit kailangan na kumapit ka pa?
Sinasaktan mo lang ang sarili mo at tama na sa pagpapakatanga.

Tigilan mo nang makipag-usap sa kanya,
Lahat ng sasabihin mo ay lagi naman niyang nababalewala.
Mas mabuti nang lumayo kaysa paulit-ulit na masaktan pa.
Mas mabuti nang maging malaya kaysa magmahal ng hindi na masaya.

Simulan mo sa sarili mo sa pagtanggap na wala na talaga kayo,
May mga bagay na gusto mo pero hindi talaga nakalaan para sayo.
Maghintay ka sa tamang panahon para sa pag-ibig na totoo,
Dahil balang araw makakatagpo ka rin ng taong deserving sa pagmamahal mo at hindi magiging katulad ng taong nanakit at nang-iwan sayo.

(2016)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon