Unspoken Poetry #29-Para Sayo

6 0 0
                                    

"PARA SAYO"

Napag-isip ko lang bigla,
Kung paano kayo nagsimula.
Katulad din ba sa iba,
Love at first sight na sinasabi nila.

Kasi kung iisipin, ba't parang kay bilis,
Parang nung kailan lang 'di pa niya ko matiis.
Parang kahapon lang na di niya ko gustong mawala,
Pero ngayon siya naman itong nawala na lang bigla.

Paano kaya kayo nagkakilala?
Nagkita ba kayo o sa chat lang din nagsimula?
Talo na ako, aaminin ko na.
Nalaman kong malapit ka lang pala sa kanya.

Kung anong layo ko, gano'n ka din kalapit sa kanya.
Kung anong tagal ng hinintay ko, gano'n din kabilis naging kayo na.
Kung anong mga nagawa ko, alam kong mahihigitan mo pa.
Dahil lahat ng mga pagkukulang ko alam kong mapupunan mo na.

Sana pakaingatan mo siya katulad nang pag-iingat ko sa kanya,
Mas intindihin mo pa nang higit pa sa pagiintindi ko sa kanya.
Nawa'y mahanap niya sayo ang saki'y hindi niya makita,
Hiling ko'y maging masaya siya dahil sa ikaw ang napili niya.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon