Unspoken Poetry #6-Saan Na Ba Tayo?

35 2 0
                                    

"SAAN NA BA TAYO?"

Saan na nga ba tayo?
Sa napakalawak nitong mundo.
Bakit ngayon hindi parin magkatagpo,
Bakit pilit parin tayong pinaglalayo?

Taon na ang nabilang,
Paghihintay walang pinatunguhan,
Paghawak sayo biglang binitawan,
Ang pinaglaban ay tuluyang sinukuan.

Marahil sa pagkatagal-tagal,
Tila ang ikot ng mundo'y kay bagal,
Unti-unting nagbago ang pagmamahal,
Ngayon ay tuluyang nawala ang naisugal.

Nasaan na nga ba tayo?
Tuluyan na ngang nagbago.
Mula sa init at panlalamig mo,
Mula sa "mahal kita" at "ayoko na sayo"

Nasaan na ang minsang pinangako mo,
Na sating dalawa'y walang magbabago.
Laging naririnig "magkakampi tayo",
Ngunit sa huli, iiwan mo lang din pala ako.

"Walang iwanan mahal" lagi pang nasasambit,
Kaya paghawak ko sayo'y sobrang kay higpit,
At nang bumitaw ka, dama ko din sobra yung sakit,
Puso kong nais lang magmahal, sa sakit namilipit.

Ang daming tanong sa isip ko'y namuo,
Hindi na sinubukang sabihin pa ito sayo,
Sapagkat bigla ka na lang din naglaho,
Isang paalam mo lang, nag-iisa na lang ako.

(JANUARY 2017) 

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon