Unspoken Poetry #14-'Wag Na Ako

29 1 0
                                    

"WAG NA AKO"

Siguro tama na, wag na ako.
Para wala ka nang dapat idahilan,
Para wala ka nang dapat tanggihan,
Wala ka nang dapat puntahan,
Wala ka nang dapat pag-aksayan
Ng mga oras kung kailan mo lamang maisipan,
Na ako'y kamustahin, iyong kakausapin,
Pero mas madalas mo naman balewalain.

Siguro tama na, wag na ako.
Pagod na akong umintindi,
Pagod na akong hindi pinipili,
Hirap na akong magmukhang tanga,
Hirap na akong nababalewala,
Sawa na akong maging pansamantala,
Sawa na akong hindi inuuna.

(2020)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon