Unspoken Poetry #30-Paano

6 0 0
                                    

"PAANO"

Nakakapagod pala kumilala,
Nakakapagod pala 'yong paulit-ulit.
Bibigay mo ang buong pangalan mo,
Pati na rin sa pagbanggit ng lahat ng 'yong mga paborito.

Hanggang sa maikukwento mo na naman,
Lahat ng 'yong napagdaanan sa nakaraan.
Ibabahagi ang parte kung ano ang sayo'y nagpapasaya,
Pati na rin kung kailan ka nasaktan at lumuha.

Hanggang sa malilito ka na lang,
Kung nahuhulog ka nga ba talaga,
O sadyang namiss mo lang yung pakiramdam,
Na sayo'y may nag-aalaga at nagmamahal.

Hanggang sa mapapatanong ka na lang din,
Kung deserve mo pa bang mahalin,
O sadyang takot ka lang din,
Na sumugal at siya'y tanggapin.

Dahil sa hindi ka pa sigurado,
Hindi mo din alam kung damdamin niya'y totoo,
O sadyang mahirap lang magtiwala muli,
Ipagkatiwala ang puso tapos masasaktan din sa huli.

Pero paano mo mararamdaman ang totoong saya,
Paano mo malalaman kung siya na ang nakatadhana,
Paano kung siya naman talaga 'yong "the one",
Kung pilit mong iniiwasan and dapat naman talagang nakalaan.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon