Unspoken Poetry #31-'Di Ko Alam

6 0 0
                                    

"DI KO ALAM"

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin,
Hindi ko alam kung ako'y naliligaw parin.
Madami nang dumaan at akala ko'y makakasabay ko na rin,
Subalit sa gitna sila'y napapagod at sumusuko parin.

Hindi ko alam na hindi pala sapat na hawak ang aking kamay,
Hindi pala sapat na simula noong una ako yung kasama sa paglalakbay,
Hindi pala sapat yung binigay na liwanag sa madilim na daanan,
Hindi pala sapat yung binigay na direksyon para maging tama ang patutunguhan.

Bawat lakarin ay hindi naman naging madali,
May panahon na mapapaso ka sa init pero madalas giginawin sa lamig,
Ngunit kahit subukan man ng pabago-bagong panahon,
Mananatiling kasama mo kahit saan man tayo paroon.

Subalit akala ko lang pala ang lahat ng 'yon,
Dahil sa haba ng ating paglalakbay, iiwan mo din ako banda roon,
Tiningnan ko ang bawat hakbang mong papalayo,
'Di na nagawang habulin ka't magmakaawa na dito ka lang sa tabi ko.

Habang papalayo ka'y wala na ring luha na pumatak,
Hiling ko lamang na 'di ka na maligaw sa 'yong tinatahak.
At pakiusap 'wag mo na din subukan lingunin ako pabalik,
Sapagkat wala na rin ako doon sa lugar na matinik.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon