Unspoken Poetry #18-Huling Gabi

39 1 0
                                    

"HULING GABI"

Maari bang hingin ang huling gabi na 'to,
Para lamang sating dalawa, ikaw lang at ako.
Kalimutan na muna natin ang mundo,
Basta nandito ka lang sa tabi ko.

Huwag muna natin isipin ang iba,
Pag-usapan muna natin ang isa't isa.
Kung wala na nga talagang magbabago sating dalawa,
Tatanggapin ko naman, 'wag kang mag-alala.

At sa huling gabi na 'to,
Walang sila, walang iba, ako lang ang mahal mo.
Sana'y mapagbigyan itong kahilingan ko,
Dahil di ko pa kaya na wala ka na sa paggising ko.

Isipin na muna natin ang mga masaya nating alaala,
Isipin na muna natin kung kailan tayo nag-umpisa.
Pati na rin ang mga pagsubok na hinarap nating dalawa,
Baka mapag-isip mo na ako parin naman pala talaga.

Habang tayo'y magkausap, tumingin ka saking mga mata,
Hayaan mong ako na ang makapansin sa lungkot na iyong dala,
Dahil di ko naman pipilitin kung hindi ka na talaga masaya,
Hindi na kita pipigilan kung gusto mo nang maging malaya.

Sa huling gabi na 'to, hiling ko lang ako'y mapakinggan mo,
"Mahal kita pero kailanman hindi na magiging ako,
Kaya sana maunawaan mo, ang gabi na ito ay para lang sayo.
Sa paggising ko kapag wala ka na, tatanggapin ko,
At kapag nandito ka pa, ito'y ikakagalak ng puso ko."

At sa pagsapit ng bukang-liwayway,
Pag-ibig nga natin ay nawalan na ng buhay,
Pagdilat ng mata ko'y wala ka na nga,
Salamat sa huling gabi, kapwa tayo'y malaya na.

(July 2018)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon