Unspoken Poetry #36-Dapit-hapon

9 0 0
                                    

"DAPIT-HAPON"

Kaysarap palang pagmasdan ang dapit-hapon
Lalo na kung tayong dalawa ay nandoon,
Ginugunita ang mga alaala ng kahapon,
At kung maaari ba tayong bumalik na lang doon.

Mula sa paghawak mo sa aking kamay,
Sa bawat daan sa ating paglalakbay,
Ikaw ang siyang higit na nagbigay ng kulay,
Sa buhay kong puno ng lumbay.

Sa tuwing sasapit ang dapit-hapon,
Naiisip ka parin hanggang ngayon.
Alaala nating dalawa ay bumabalik,
At mas lalo lamang sayo'y nasasabik.

Di hamak na mas masaya pa tayo noon,
Mula sa tanawin na nagbibigay lagi satin ng pagkakataon.
Na may mga katapusan na napakagandang pagmasdan,
At sa pagsapit ng dapit-hapon, ikaw parin ang gustong masilayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon