Unspoken Poetry #20-Kaya Okay Lang

11 1 0
                                    

"KAYA OKAY LANG"

Pansin ko na ang saya sayong mga mata,
Na makikita ko sa tuwing nakakasama mo siya.
Pansin ko na ang mga ngiti sayong mga labi,
Na mapupuna ko kapag siya ang 'yong katabi.

Ngayon nauunawaan ko na kung bakit hindi ako,
Dahil 'di ko maibigay ang mga kailangan mo,
Hindi ako malapit para pumawi ng lungkot mo,
Hindi ako yung bubuo ng kulang sa buhay mo.

Kaya okay lang ngayon na wala ka na,
Hindi na ako nagbabakasakaling babalik ka pa,
Hangad ko lamang ngayon ay maging masaya ka,
Sa bagong tahanan na binuo mo kahit noong may tayo pa.

Kaya okay lang ngayon na hindi na ako,
Sapat na sa akin na maging parte ng nakaraan mo.
Hangad ko lamang ngayon ay matagpuan mo,
Ang totoong saya na hindi ko nabigay sayo ng buo.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon