Unspoken Poetry #21-Totoo Naman Pala

10 1 0
                                    

"TOTOO NAMAN PALA"

Totoo pala ang sabi nila
Kailangan mo munang mahalin ang sarili mo bago ang iba
Sapagkat kapag mawala man ang mga taong akala mong mananatili
Mas mabilis tanggapin kapag hindi na ikaw ang pinili

Totoo naman pala,
Na akala mo dating hindi mo makakaya,
Dahan-dahan naman din nakakausad na
Na akala mo dating hirap na kalimutan pa,
Ngayon minsan mo na lang din maalala.

Totoo naman pala,
Na sa kabila ng sakripisyo at katapatan,
Na sa kabila ng pagtitiwala't pagmamahal,
Hindi magiging sapat kapag hindi naman ikaw ang kailangan,
Hindi magiging sapat kahit gaano pa kayo katagal.

Totoo naman pala,
Minsan kailangan mo pang sisihin ang distansya,
Kailangan tanungin kung bakit malayo kayo sa isa't isa
Pero kapag totoong nagmamahal ka naman talaga,
Hinding-hindi magiging hadlang ang milya-milyang distansya.

Totoo naman pala,
Pipiliin mo sa araw-araw
Pipiliin mo nang paulit-ulit kahit hindi mo pa tanaw,
Pipiliin mo kahit hindi perpekto,
Mananatili at mamahalin parin ng buo.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon