Unspoken Poetry #3-Wala Ka Na

50 1 0
                                    

"WALA KA NA"

Panahon ay kay bilis,
Nawala na ang tamis,
Ngayon ako'y nagtitiis,
Sa iyong maagang pag-alis.

Sabi mo walang iwanan,
Pero bakit ngayon ikaw ay nasaan?
Pag-ibig na dating pinaglaban,
Nauwi sa pagiging luhaan.

Puso ko'y naghintay,
Kahit ako'y nalulumbay,
Ang dating pagmamahalan na pantay,
Nawalan na ngayon ng buhay.

Ngayon ikaw ay nawala,
Puso'y kay sakit ng nadarama,
Inakalang babalik ka pa,
Pero meron ka na palang iba.

Ngingiti sa isang tabi,
Pero hindi ko maikubli,
Dinadaya ng aking labi,
Ang totoong nadaramang kay hapdi.

Hahayaan na makita ka,
Habang masaya sa piling niya,
Hahayaan na ako'y lumuluha,
Kaysa magmahal ng mag-isa.

Magpaparaya ang sugatang puso,
Para sa ikaliligaya ng taong mahal ko,
Kahit sa ngayon ako'y bigo,
Hihilum din ang sugat na nagdurugo.

Balang araw sa aking muling pagkakatayo,
Magagawa kong titigan ka ng nakataas noo,
Hindi para ipamukha sayo ang lahat ng sinayang mo,
Kundi ipakitang kaya ko kahit wala ka na sa buhay ko.

(October 2016)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon