Papa

7.1K 87 1
                                    

32. Papa

 

Chad’s POV

I’m hurting like hell.

Seeing my girl and his man while having a picnic on the garden with my twin kills me a thousand times.

They were a picture of a perfect family na dapat ay sakin. Kung hindi lang ako naging duwag, kung hindi lang ako natakot sana ako yung kasama nila. Sana masaya na kami ngayon. Sana noon ko pa binawi ang akin baka sakaling tinanggap pa nila ako. Sana.

Akmang pipindutin ko na ang doorbell ng biglang hinalikan ni Denver si Nikkie sa pisngi kasabay ng pagtili ni Yana na para bang kinikilig. Kitang kita ko din ang pamumula ng buong mukha ni Nikkie. Bagay na akala ko ako lang ang makagagawa sa kanya. Pero ngayon iba na. Ibang iba na.

God knows kung gaano ko kagustong mabawi at makuha ang pamilya pero upon seeing them right now parang hindi kaya ng konsensya ko na gambalain at guluhin pa ang masaya na nilang pamilya. Pero kaya ko bang tanggapin na hanggang dito na lang talaga kami ni Nikkie?

Siguro nga ay tama lang itong kabayadan sa sakit na dinanas ni Nikkie nang iwan ko sila ng mga anak ko. Ito na ang karma ko sa lahat ng kagaguhan ko.

I’m about to leave when I heard Tiander calling my name.

 

“Tito Chad! Tito Chad! Aalis na po ba kayo?” I tried to smile at him kahit pa disappointed ako sa pagtawag nya ng “tito” sa akin. Ibig sabihin lang noon ay hindi talaga nila ako pinaniwalaan ng sabihin kong ako ang Papa nila isang linggo na ang nakalilipas.

“Yes Tiander mukha kasi kayong busy baka makagulo lang ako.” Tugon ko sa kanya at ginulo ang buhok nya mula sa siwang ng gate.

Bigla namang lumapit sa amin si Denver at binuksan ang gate at ngumiti sa akin. Agad namang tumakbo si Tiander pabalik sa ina matapos itong utusan ni Naitx.

“Pasok ka pinsan.” Akmang tatapikin ko sya sa balikat ng muli ay nagsalita ito.

“Don’t you dare Chad ginagawa ko lang to para mawala ka na sa landas  namin. Pinagbigyan ka Nikkie pero I know once na malaman ng mga bata na ikaw ang ama nila still ako pa din ang pipilian nila ganoon nila ako kamahal.” Mahina ngunit maangas na sabi nya at inunahan na ako sa lugar kung saan nadoon ang mga bata.

Natigilan ako sa sinabi nya ngunit pinilit kong makabawi agad para maghanda sa pagharap sa kanila.

Nakangiting tumayo si Nikkie at binalingan ang mga bata. “Babies tara sa loob may mahalaga tayong pag-uusapan ng Dad at Tito nyo.”

Tiningnan naman ako nito at inaya sa loob. Kasabay nitong maglakad si Denver na nakaakbay na ngayon sa kanya. Wala akong magawa kundi ang tingnan sila at sumunod papasok sa bahay nila.

Hindi gaanong malaki ang bahay nila  ngunit kompleto ito sa gamit at napakaaliwalas. Sa hitsura at aura pa lang ng bahay nila alam mong isang masayang pamilya ang nakatira doon.

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon