8. Decision
Nikkie’s POV
Nandito ako ngayon sa condo ko habang iniisip ko si Chad. Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng makalabas ako sa ospital pero ni minsan ay hindi nya pa ako dinalaw. Si Venice lang madalas ang kasama ko dito at sya rin ang gumagawa ng paraan para makain ko ang mga bagay na gusto kong kainin na dapat si Chad ang gumagawa.
“Hayyyyy.....” napabuntunghininga na lang ako sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ko. Mukha kasing magiging dalagang ina ako.
*TOK *TOK *TOK
Napabaligwas ako ng bangon at dali-dali kong tinungo ang pintuan. Sigurado akong si Venice yun buti naman at nakakita na sya ng sinigwelas kanina pa kasing akong naglalaway dun tapos isasawsaw ko sa ketchup. Aaaaaang saraaaaaap nun.
*TOK *T----
Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o hindi. Agad tumulo ang mga luha ko na kay tagal kong pinigilan. Gusto ko syang yakapin para malaman ko kung nanaginip lang ako pero hindi ko magawa natatakot kasi ako na pag ginawa ko yun bigla na lang syang maglaho sa paningin ko.
“Cha-----”
Hindi ko na naituloy ang pagtawag sa kanya dahil sinunggaban nya na ako ng halik. Pilit ko syang tinutulak pero ayaw nya akong pakawalan bagkus ay pinalalim nya ang halik nya at pilit na binubuka ang bibig ko.
Gustung –gusto kong tumugon sa halik nya pero pinipigilan ko ang sarili ko gusto ko muna kasing linawin ang lahat. Kung bakit hindi sya nagpaparamdam sa akin, bakit sya nandito ngayon dahil ba ako ang pinili nya? Naguguluhan ako.
“Please babe, stop fighting” pagsusumamo nya sa akin, ramdam na ramdam ko sa bawat galaw ng labi nya ang lungkot, pangungulila, pagnanasa at pagmamahal.
Alam kong bibigay na ako pero pilit ko pa ding nilalabanan ang sensasyong nararamdaman ko. Tinigil nya ang paghalik sa akin at pinagdikit nya ang mga noo namin. “Please Niks let me” muling pakiusap nya.
“Cha—hmmmp”
Hindi nya akong hinayaang magsalita ngunit ginamit nya ang pagbukang yun ng bibig ko para ipasok ang dila nyang kanina pag nagsusumamo. Biglang nabuhay ang init ng katawan kong kanina ko pang pinipigilan. Nagsimula na akong tumugon sa mga halik nya at parang yun ang naging signal nya para maglikot ang kamay nya sa buo kong katawan. Ramdam ko din ang pagtaas nya ng mga binti ko sa bewang nya kasabay ng paglock nya ng pinto.
Automatic namang isinabit ko ang dalawang kamay ko sa batok nya at nagsimula nya akong buhatin ng hindi pinuputol ang halik nya. Nang marating namin ang kama maingat nya akong ibinaba at tiningnan sa mata.
“Nikkie Please make love to me” alam ko sa sarili kong miss na miss ko na sya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumango. Kaya naman hinalikan nya akong muli at sabay naming narating ang kasukdulan.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG