20. Party
Alex on the side :) Ganda nya dabah :))))
Chad’s POV
“Welcome back Sir” Bati sa akin ni Dino, my secretary, pagkakita sa akin sa airport.
Ngumiti lang ako sa kanya at nagdiredetsyo na sa sasakyan. Sa wakas makalipas ang mahigit apat na taon. I’m back.
Hindi ko mapigilang ngumiti ng mapakla ng maalala ko lahat ng mga mapapait ala-ala ko dito sa Pilipinas na naging dahilan para manirahan kami ng pamilya ko sa Paris.
And now na nandito na ulit ako hindi ko alam ang mararamdaman ko. ipinikit ko ang mga mata ko at unti-unti ay bumabalik sa akin lahat. Mga bagay na mahirap kalimutan.
“Dino okey na ba ang lahat?” Tanong ko sa kanya na mabilis naman nyang sinagot.
“Yes Sir, everything is set” Nakangiting tugon sa akin. Sa loob ng mahabang panahon sa kanya ko pinagkatiwala ang kompanya ko sa Pilipinas at hindi ako nabigo dahil he made a great job here and now I’m ready to take my position again.
“Good. Thanks a lot pre” I tap his shoulder and close my eyes again.
--------__---------_--_---------------------------------------------
“Good Evening everyone.” Panimula ng emcee as he open the program. “We are gathered here tonight to welcome back the C.E.O of Marasigan Group of Companies, Ladies and gentlemen please give a round applause to the great Darwin Richard Marasigan.”
Nagsitayuan ang lahat at isang malakas ng palakpakan ang narinig ko, lahat ng tao ay ngayon ay sa akin na nakatingin. Nasa akin na din ang spot light kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa stage.
“Good Evening everyone you may now take your sit” panimula ko habang nakatingin sa mga nakangiting mukha ng mga taong malalapit sa akin. Mula sa mga empleyado ko, investors, business partners at pamilya ko lahat sila ay imbitadong lahat a party na ito.
“First I would like to thank every one of you for sparing some of your time just to attend in my welcome party. Salamat din sa mga taong naging dahilan para mas lumago pa ang kompanyang ito even tough im away.” Diniscuss ko din lahat ng mga plano ko sa pagbabalik ko. Pati na din ang mga bagong business na gusto kong itayo para lalo pang mapalago ang kompanyang pinaghirapan ng pamilya ko. Nakita ko naman sa kanilang mga ang pagsang-ayon kaya naman naging magaan ang lahat. “- that’s all and please enjoy the rest of the evening. Thank you!”
Muli ay tumayo sila at binigyan ako ng malakas na palakpakan. Bumaba naman ako sa stage at sinalubong ako ng mga business partners ko at nakipagkamay sa akin.
“The great Marasigan is back, I’m expecting for more projects this time Darwin.” Bungad sa akin ng Mr. Cruz, isa sa mga business partners ko.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG