I Felt Cheated

8K 97 2
                                    

25. I Felt Cheated

DENVER’S POV

Para akong nauupos na kandila habang nagpapalipat-lipat ang tingin ni Chad kina Tiander at Yana at maging sa mga anak nya na ngayon ay nasa tabi na nito. Ngayong napagmasdan ko silang mabuti nakita ko na magkakamukha nga ang mga batang nasa paanan namin. Hindi na ako magtataka na maging magkakamukha sila, iisa ang ama nila at magkapatid pa ang mga ina nila. Nanlamig ako at halos malagutan ng hininga nang makita kong kumunot ang noo nya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayong nasa iisang lugar kami ng mga bata at ng totoong ama nila idagdag pang na sa hindi kalayuan lang si Nikkie. 

“Err.. Mga anak mo?” bigla nyang tanong sa akin at lumapit sya sa akin para makipagman hug. Alanganin ko yung tinanggap habang tumatango.

 

“You have a great twin.” Puri nya sa mga anak ko na ikinangiti ko.

 

“I know bro, napakaswerte ko sa kanila.” Naramdaman ko namang yumakap sa binti ko si Yana na agad kong kinarga. “Sila na ba ang mga pamangkin ko? Kamukhang kamukha mo ang panganay mo ah.” tukoy ko sa dalawang paslit na malapit sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango tango habang hinahaplos ang buhok ni Alexa.

 

“Oh Princess, buddy, he’s my cousin and your ..........tito.”Alam kong sya ang totoong ama ng mga bata pero this time I want to be selfish akin lang ang mga anak ko. “Say hi to him babies.”

Kitang kita ko naman ang tuwa ni Chad ng kumaway sa kanya ang dalawang bata. “Pwede ko ba syang makarga?” tanong nya sa akin na tinutukoy si Yana.

Ayaw ko namang ibigay si Yana pero ito na mismo ang nag-aro ng kanyang kamay sa sariling ama para magpakarga. Napakabigat sa loob ko habang sinasalin ko sa mga kamay nya ang prinsesa ko.

“You’re very pretty angel, Yana right?” halos hindi ko sila matingnan ng kausapin na nya ang anak ko. gustung gusto ko syang kunin sa mga bisig ni Chad pero hindi ko alam kung paano para kasing kinakain ako ng konsensya ko.

“Opo, Tito mana po kasi ako kay Mommy.” Magalang na sagot naman ni Yana habang pinagmamalaki kung kagano kaganda ang kanyang ina. Napatingin naman ako kay Tiander na nakatingin lang sa kapatid at kay Chad habang nakangiti.

“Papa, ako naman buhatin mo ang takit po ng tugat ko.” Bigla namang ungot ni Alexa na halatang naglalambing lang sa ama. Napatawa naman si Chad at umupo para makapantay ang bata.

 

“kaw naman kasi baby nasabi na  pala ni kuya na wag mag run ‘di ba?” nagpout lang si Alex bilang tugon sa ama. Tatawa tawa naman si Chad na binigay sa akin si Yana at binuhat si Alexa.

Naitx pinsan, kailangan na naming umalis para makapagpahinga na ang mga bata.” Pagpapaalam niya sa akin. “Oh mga anak, say goodbye na to your mama” baling nya sa mga anak nya at naglakad sila sa puntod malapit sa amin.

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon