A/N: ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng nagbabasa ng storya nina Nikkie, Chad at Alex.Nakakataba ng puso na naka1000 reads na tayo na akala ko ay hindi mangyayari kasi dati hindi man lang ito napapansin. Mababaw man pero sa kagaya ko na baguhang manunulat lang ay napakalaking bagay na. Salamat din sa mga nag-aadd nito sa RL nila. Hindi ko po kayo maisa-isa dahil may nalabas sa notif ko pero hindi ko naman makita sa “who’s reading”hindi ko alam kung bakit. Pero salamat talaga :)) Gusto ko kayong makilala, text text tayo minsan HAHA. PM nyo ako bigay ko # ko :)
Tama ng daldal haba na ng A.N ko. Eto na po. Happy reading <3
-kai
14. New Friend?
Nikkie’s POV
Akala ko noon isa ako sa pinakaswerteng babae sa mundo. Na halos perpekto ang buhay na meron ako. I have wonderful parents. Nakukuha ko lahat ng gusto ko in just a snap. Lagi akong nagtatop sa klase. May bestfriend ako na hindi ako iniiwan. Meron akong boyfriend na laging nakasuporta at alam kong mahal na mahal ako.
Pero akala lang pala yun.
Ang inakala kong mga magulang ay isa palang malaking kasinungalingan. ANg boyfriend ko hayun masaya na sa sarili nitong pamilya.
Simula pa lang pala ng una hindi na perpekto ang buhay ko. Dahil lahat ng yun ay wala na sa akin.
Biglang tumunog ang cellphone ko paglabas ko ng mansion namin.
From: best:Venice <3
Asan ka, bkit wala ka dito? Text me back. I’m worried.
Napangiti ako sa nabasa ko, hindi pala lahat, I still have her. My bestfriend.
Nireplayn ko si Venice at agad kong tinungo ang sasakyan ko. Ayaw ko mang pag-aalahananin ang kaibigan ko but I need this. Kailangan kong mapag-isa, kailangan kong mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Mabilis kong pinalipad ang sasakyan ko hanggang sa marating ang gusto kong marating.
“STRANGER’S CLUB” (gawa-gawa ko lang po yang club na yan. xD)
Ito lang ang naisip kong lugar para malimutan lahat ng problema ko. Lahat ng katotohanang parang bombang sunod na sunod na sumabog sa pagkatao ko.
Pagpasok ko pa lamang ay halos masuka na ako sa amoy at ingay ng lugar na ito pero hindi ko yun iniinda. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga tingin at pagbubulungan ng tao sa paligid ko.
Sino ba namang hindi mapapalingon sa isang buntis na papasok ng mag-isa sa bar na pugtong pugto ang mata. Idagdag mo pa na malaki akong magbuntis kaya talagang nakakaagaw ng atensyon ang malaki ko nang tyan.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG