The Past

8.6K 86 2
                                    

Dedicated to @lovinganame dahil nilibre nya ako ng kwek kwek nung isang araw, HAHA thanks peri. :)

Hellow din kay @blue1326 :D

Tanong lang may taga KLL ba ditto? XD

21. The Past

Chad’s POV

Hingal na hingal ako sa paghabol ko sa mga anak ko habang tumatakbo sila dtto sa park.

 

“Darwin, Alexa be careful baka madapa kayo” Paalala ko sa kanila na wala pa din tigil sa pagtakbo.

 

Tumigil na ako sa kahahabol sa kanila at umupo na lang sa bench na malapit sa akin. Masaya kong sinundan na lang sila ng tingin. Ang sarap makitang silang naghahabulan ng may ngiti sa mga labi nila.

 

“Papa! Papa!” Tawag sakin ng bata na may hawak na ice cream habang hila hila ang panalon ko.

 

Nilingon ko sya at para akong nanalamin ng tingnan ko sya sa mga mata.

 

“Oh baby, bakit may ganan ka? Sinong may bigay nyan sayo?” Tanong ko sa kanya. Bigla naman syang tumakbo at nakita kong sumama sya sa isang lalaking hindi ko makita ang mukha at kasama nya ang babaeng kilalang kilala ko.

 

Napatayo akong bigla ng makita kong nawawala sila sa paningin ko.

 

Hinabol ko sila ng hinabol pero hindi ko sila makita. Naririrnig ko na din ang hikbi ng mga anak ko habang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko sila pinansin. Babalikan ko naman sila pero ngayon kailangan kong maabutan si Nikkie. Kailang ko syang makausap.

Hapong hapo na ako ng makita ko syang masayang naglalakad habang nakahawak sa braso ng lalaking kumuha sa bata kanina. Nagtatawanan pa sila. Para silang perpektong pamilya.

 

“Nikkie! Nikkie!” Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako nalingon. Sa halip ay tumingin sya sa lalaking kasama nya at buong galak na hinalikan ito sa harap ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“NIKKIE” napabaligwas ako ng bangon matapos ang panaginip na iyon. Napatawa ako ng pagak, hanggan ngayon sya pa rin.

Tumingin ako sa paligid ko at napagtanto kong nakatulog na pala ako sa tabi nya. Marahil ay sa sobrang pagod dahil sa party kagabi. Tumayo ako nang maalala kong may pasalubong nga pala ako sa kanya. Dali-dali kong tinungo ang sasakyan ko at kinuha iyon at patakbong bumalik. Inayos ko ang long sleeve ko bago muling umupo at tumingin sa kanya.

 

“Hi, Sorry natulugan pala kita. Ngayon na nga lang ako dumalaw natulugan pa kita.” Ngumiti ako sa kanya at habang nilalapag ko sa tabi nya ang dala kong bulaklak.

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon