40. FOREVER
Chad's POV
Mahigit anim na taon na ang nakalilipas nang makilala ko si Nikkie. Sa loob ng panahong yun naranasan kong mahalin si Nikkie nang higit pa sa buhay ko. Minahal ko sya kahit bawal, kahit mali. Akala ko noon magagawa ko lahat ng gusto ko. Na lahat ng bagay ay aayon sa kagustuhan ko. Hindi pala. Wala pala talagang lihim na hindi nabubunyag. Nasaktan ko sya, ng sobra sobra. Iniwan ko sya dahil sa katotohanang may iba akong pamilya at sa iba pang lihim ng aming kahapon.
Napakadaming bagay ang nagawa ko sa loob ng anim na taon na hinihiling ko na sana hindi na lang nangyari ngunit ang pagmamahal ko sa kanya at ang pagdating nina Yana at Tiander ang tanging bagay na kaylanman ay hinding hindi ko pagsisisihan.
At ngayong dumating na ang araw na ito hindi ko alam kung anu ba ang tamang maramdaman.
As I enter the church, halos mamangha ako sa ayos ng simbahan. Kaygandang pagmasdan ng punpon ng mga bulaklak sa gilid ng mga upuan. Ang gitna ng simbahan ay napuno ng mga petals ng roses na nagmistulang red carpet na syang lalakaran ng entourage.
Lahat ng madaanan kong bisita ay may malaking ngiti sa labi. Ramdam na ramdam ko ang saya ng paligid. Lahat ng tao ay masaya, nagdidiwang, nagagalak sa mangyayari.
Maliban sa akin.
Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto pintig ng puso,
Automatic akong napatingin sa labas ng simbahan nang marinig ko ang unang nota na kantang iyon, kasabay ng pagbukas ng malaking pintuan at inuluwa noon sa aking paningin ang mukha ng babaeng kaytagal kong minahal.
Nanatili ako sa gilid ng simbahan kung saan kitang kita ko ang saya sa mga mata nya na kay tagal kong pinangarap na muling makita. I smiled bitterly because I know in that moment ibang tao na ang may gawa nuon.
Hindi ko alam kung masokita ako ngunit hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko na wala na talaga kahit pa unti-unti nitong pinapatay ang puso at mga pangarap ko.
Ikaw ang pag-ibig na hinintay
puso ay nalumbay ng kaytagal ngunit ngayon nandito na ikaw,
ikaw ang pagibig na binigay sa akin ng may kapal
biyaya ka sa buhay ko ligaya't pagibig koy ikaw ......
kasabay ng huling linya ng kantang yun ay ang pagtatapos ng pag-asa ko na makuha silang muli. Na makasama ko syang muli. Na mabuo ang pamilyang pinangarap ko. Napapikit na lamang ako ng mariin ng kunin na ni Nikkie ang kamay ni Denver at sabay silang naglakad patungong altar.
"Bago ko simulan ang pag-iisang dibdib nina Nikkie at Denver, meron ba sa bulwagang ito na tumututol sa kasalang magaganap? Maari ka ng magsalita ngayon o manahimik na lamang habang buhay."
Tumahimik ang paligid ng biglang magsalita ang pari sa unahan. Gusto kong magsalita, gusto kong tumutol. Pero paano? Masaya na sila at hindi ko kayang sirain ang kasayahang yon. Siguro nga ito na ang katapusan namin ni Nikkie.
"Kung wala ay atin ng sisimulan ang seremonyas..." pagpapatuloy ng pari.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko ng magsimulang mag unahan ang mga luha ko. Wala na talagang pag-asa. Ang tanga tanga ko. We had a chance before pero sinayang ko.
I know its gay pero alam kong hindi ko na kakayanin ang mga susunod pang mangyayari kaya naman kahit na nanghihina ako, nagsimula na akong tumalikod at maglakad palabas ng simbahan.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG