Damn Truth

13.6K 181 16
                                    

dedicated to: @nijhane23 dahil inadd nya to sa RL nya :) thankyou!!

2.  Damn truth

NIKKIE’S POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napabaligwas ako ng bangon ng maalala ko ang mga nangyari kagabi. Muling bumalik sa aking balintataw ang maiinit niyang halik at mapupusok na haplos. Ngunit bigla akong kinabahan nang mapansin kong wala sya sa aking tabi. Dali –dali ko syang hinanap sa banyo, sa kabilang silid at maging sa kusina ngunit nanlumo ako ng mabasa ang iniwan nyang note sa may ref.

Babe,

I need to leave, may emergency lang si Alex. I’ll fix everything. Trust me.

-Chad

Muling umagos ang luhang akala ko’y naubos na. Umalis sya dahil kay Alex, dahil sa asawa nya. Ano nga bang laban ko sa asawa ay isang hamak na kabit lang naman ako. Ang sakit isipin na hindi ako ang pinili nya. Kaya pala kahit minsan sa loob ng dalawang taon ay hindi nya ako maipakilala sa mga magulang nya. Akala ko lagi lamang itong busy ngunit ang totoo pala ay hindi ako pwedeng makilala ng pamilya niya dahil mabubuking ang kabalastugan niya. Kaya pala kahit minsan hind nya ako mayayang magpakasal kasi hindi na pala pwede dahil nakatali na sya dahil kasal na sya sa iba. Ang sakit isipin na pagkatapos ng aming mainit na pagsisiping kahit makailang rounds pa kami ay sa asawa nya pa rin siya uuwi.  

Tulala ako habang naglalakad patungo sa room ko. Hindi ko nga maalala kung paano ko naayos ang sarili ko para makapasok ngayon. Sa nararamdaman ko ngayon mas gugustuhin ko pang magkulong na lamang sa aking silid ngunit naalala ko lamang na ngayon ang araw ng aking pagsususlit. Pagsususlit na huhusga kung ako ba ay makakatapos ng kolehiyo at makakatungtong sa enteblado. Hindi ako nag-aral kaya bahala na si batman.

“Uy best bakit ganan ka ang dami mong galos? Napaaway ka ba? Mukha kang namatayan?”sunod sunod niyang tanong. Kung alam mo lang Venice hindi lang ako namatayan dahil mismong puso ko yung namatay bulong ko sa isip. Wala puyat lang ako, yang galos naman nevermind na lang ayokong mag-alala sya sa akin dahil isa syang buhay na testigo ng pagmamahalan namin ni Chad. Alam kong kamumuhian nya ang lalaki.

“Ay sya, patulad best ah.. HAHAH di ako nag-aral e nakipagdate ako sa isang fafabol kagabi ayun plangak di ako nakapag-aral syempre alam mo na iba yung pinag-aralan ko napalaban ako ng bongga ahaha” kilig na kilig nya pang utas, yung pinag-aralan nya alam kong kapareho lang sa ginawa namin ni Chad kagabi. Tsk, paano kaya kame magsasagot nito kung ganun pareho ginawa namin. Alangan namang s*x ang isagot ko yun ang pinag-aralan ko kagabi ee. Pwede bang isagot ko na lang ay “pagmamahal” dahil wala namang mali sa pagmamahal di ba? “meron, maling magmahal ng asawa na ng iba” biglang sigaw ng utak ko. Napabuntong hininga na lang ako at hindi nagtagal ay dumating na ang prof namin. 

Natapos ang exam namen na hindi ko alam ang mga pinagsusulat ko. Mukhang himala ang kailangan ko para maipasa yun. Dali-dali kong inayos ang gamit ko para maka-uwi nako pero nabato ako sa takot ng makita ko kung sino ang nag-iintay sa akin.

*PAK*

Isang malakas na sampal ang sinalubong nya sa akin. Alam kong nakaagaw kami ng maraming atensyon kaya hindi ko magawang gumanti.

“Alam kong magkasama kayo ng asawa ko kagabi! Kelan mo ba titigilan ang asawa ko? Ang dami naman dyang lalaki na pwedeng kumamot dyan sa kakatihan mo bakit asawa ko pa?” singhal nya sakin. Nakakatakot ang hitsura nya, galit na galit sya.

“Please Alexandra don’t make a scene” pakiusap ko sa kanya. Pinagtitinginan na kasi kame ng mga studyante. Ayaw ko namang maging sikat dahil sa eskandalong ito. Gusto kong manatiling pribado ang buhay ko lalo’t higit ang buhay pag-ibig ko.

“Bakit babae ayaw mong malaman nila na kinakalantari mo ang asawa ko? Bakit nga ba ang asawa ko pa dahil ba sa pera nya?”

*PAK*

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin sya. Alam ng Diyos na kahit minsan hindi ko hinangad kay Chad ang pera nya. Hindi man kami ganung kayaman pero kayang kaya kong bilhin lahat ng gusto ko na hindi dumedepende kay Chad. Minahal ko ang asawa nya ng higit pa sa buhay ko kaya hindi ako makakapayag na sabihan niya ng mukhang pera.

“Minahal ko si Chad ng buo pero hindi kasama ang pera nya” Alam kong pagsisisihan ko ang pag-uusap naming ito dahil sa matatalim na tingin ng mga estudyante dito. Pero ayoko ng magpaapi. Tama na ang sakit na nararamdaman ko.

“Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa mukha ko? Asawa ako ng lalaking sinasabi mong mahal mo hindi mo ba yun naiintindihan?” Sigaw niya sa akin.

“Bakit ikaw lang ba ang pwedeng magmahal kay Chad? Hindi Alexandra!”

“HAHAHAHAH” tawa nya na parang naloloka na. “Nagkakamali kang malandi ka, wala kang karapatan mahalin ang ASAWA KO. Akin lang sya! Ako lang ang mahal nya!!”Para akong pinagsampal sa mga sinabi nya. Mahal nga ba ako ni Chad? Oo sa loob ng dalawang taon pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako pero totoo ba yun? Dahil kong totoo yun bakit nya tinago sa akin ang katotohanan.

“Alam mo ba kung ano ka lang? PARAUSAN!!!. Yun lang!!  At kahit kelan hindi ka nya mamahalin dahil ako ang mahal niya. Dahil ako ang pinakasalan niya.” Tuloy tuloy lang ang pangngutya nya sa akin habang nakangisi. Hindi ko na kinaya pa at tumulo ng muli ang mga luha ko. OO tama sya, siya ang pinakasalan ni Chad. PARAUSAN nga lang ako. Taga kamot ng kati nya, taga pagpainint ng gabi nya. Ang sakit, ang sakit sakit.

“This will be my last warning. Stay. Away. From. My. Husband. Or else I’ll make your life a living hell” yun lang at tinalikuran na nya ako.

“ Hindi ko magagawa ang sinasabi mo. Mahal ko si Chad. Gusto ko malaman bakit ngayon lang kita nakita? Bakit sa loob ng dalawang taon hindi ka nagpakita.”

“Gusto mo talagang malaman?” tumango lang akong bilang tugon. “Nangibang bansa ako matapos malaglag ang anak namin ni Chad. Hinanap ko lang sarili ko. At ngayong andito na ako babawiin ko na ang akin” tinuloy nya ng muli ang pag lalakad nya ngunit lumingon ulit sya.

“And one more thing he’s the one told me that he wants me back and we will start all over again so back off Bitch.”

+++++++++++++     

vote at comment naman kayo :( huhuhu 

hohoho salamat kung may nagbabasa naman! :)

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon