24.2 Visiting Her Part 2
dedicated to you .. @ymefil24 dahil hinahanap mo na sa akin ang part 2. ito na po hahah labyu!
Nikkie’s POV
“Seriously Ver pinakbet for breakfast?” manghang tanong ko kay Denver na kakamot kamot ng ulo.
Akala ko naman nagloloko lang siya nung sinabi nya na pinagluto nya ako ng pinakbet pero heto na at nakahain nga sa lamesa.
“He-hehe, gusto ko kasi magheavy breakfast kayo ng mga bata dahil may pupuntahan tayo.” Alanganin nyang sagot sa akin habang patuloy pa din ang pagkamot sa ulo nya. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa hitsura nya.
“San mo naman kami dadalhin ha?”pagtataray ko sa kanya pero deep inside natutuwa ako sa kanya. Basta kasi may oras sya lagi syang nag-eefort para sa akin o para sa mga anak ko.
“Hindi pa po ba tayo kakain? Gutom na po kami ni Yana” bigla naman napatingin sa pagsingit ni Tiano. Kahit kelan talaga napakainipin nya. Nagkatinginan na lang kami ni Denver at napailing.
“Eto na po kakain na po.”
Hindi ko mapigilang tingnan sila habang kumakain napasaya nila habang nagsusubuan at nagkukulitan. Para talaga silang tunay na mag-aama. Napansin siguro ni Ver na tinititigan ko sila kaya naman lumingon sya sa akin at kumindat pa. Bigla tuloy akong namula kay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
“Siguro kung nauna kitang nakilala kaysa kay Chad sayo siguro ako nainlove.” Bulong ko sa isipan ko habang nilalantakan ko ang pinakbet na niluto nya.
Matapos naming kumain ay naghanda na agad kami para sa surprise DAW ni Denver. Halos dalawang oras din ang naging byahe namin pero hindi ko alam kung anung mararamdaman ko ng makita ko kung ano ang pinagdalhan nya sa amin ng mga bata.
“Bakit tayo nandito?”naguguluhang tanong ko sa kanya pero kaysa sagutin ako ay bumaba na sya ng kotse ay pinagbuksan ako at ang mga bata.
“Bakit nga tayo nandito Denver!?” hindi ko sinasadyang pagtaasan sya ng boses pero kasi sobra akong nagugugluhan. Natatakot ako. Oo hindi pa man ako sigurado kung bakit kami nandito pero alam ko kung anuman ang makikita ko ay isang bagay na pwedeng kumumpleto sa akin.
“I’m sorry” Bigla kong usal ng makita ko ang naging reaksyon nya at ng mga bata sa ginawa kong pagsigaw, bigla namang lumamlam ang hitsura nya at lumapit sa akin habang parehong nakayakap sa mga binti nya ang mga anak ko marahil ay natakot ang mga ito.
“It’s okey Niks, let’s go?” hinalkan nya muna ako sa noo bago ako inalalayan maglakad.
May ilang minuto din kaming naglakad ng bigla kaming tumigil sa isang puntod na medyo marumi na halatang matagal ng walang dumadalaw. Agad akong kinabahan na parang anuman oras ay gusto ko ng tumakbo.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG