Pain and Confusion

11.2K 152 23
                                    

4. Pain and Confusion

Nikkie’s POV

“Ahhhhhhhhhhhh.... Chad... Ohhhhhh”

“Ahhhhhhhhhhhhhh...............”

Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko, tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mga tenga ko at tahimik na humagulgol. Nakalugmok pa din ako dito sa labas ng kwarto ni Chad, hindi ko magawang tumakbo dahil nanlalambot ako. Pinipilit kong tumayo pero di ko mahanap ang mga paa ko. Gusto ko ng umalis, ayoko ng marinig pa ang mga halinghing nila sa sarap habang ginagawa nila ang bagay na iyon . Sobrang sakit na sa puso. Akala ko ng malaman kong kasal na si Chad ang pinakamasaikt na pwede kong maramdaman. Pero nang makita ko si Chad na hubo’t hubad at nakapatong kay Alexandra habang sumayaw sa sarili nilang ritmo para akong pinatay ng paulit ulit. 

Kaya pala hindi na nya ako pinupuntahan. Kaya pala hindi na niya ako tinatawagan. Kaya pala ang lamig lamig na nya sa akin. Dahil hindi na niya ako kailangan. Nagbalik na nga pala ang asawa niya na magpapainit sa kama niya na dati ako ang gumagawa. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Masakit mang isipin pero tama nga si Alex, parausan lang ako ni Chad, taga kamot ng kati, taga pag painit ng gabi. Ang sakit sobra. Minahal ko si Chad ng higit pa sa buhay ko, pinagkaloob ko sa kanya ang buong pagkatao ko ng walang pag-aalinlangan. Pero bakit ganito? Ano bang kasalanan ko sa Kanya at pinaparusahan Niya ako ng ganito.

“CHAAAAAAAD/ALEEEEEEX”

Sabay nilang ungol na animo’y narating nila ang sukdulan. Hindi ko na kinaya pa kaya kahit sobrang lambot na lambot ako at nanlalabo na ang mga mata ko ay pinilit kong umalis sa lugar na iyon.

Pagdating ko sa condo agad akong nagbukas ng beer na stock ni Chad sa ref ko. Alam kong ayaw na ayaw nya na umiinom ako pero wala na akong pakialam. Gusto kong malasing ng sobra ngayong gabi hanggang sa mawala lahat ng nararamdaman kong sakit. Ayaw pa ring tumigil ng pagpatak ng mga luha ko. Bawat bote ng alak na nauubos ko ay binabato ko kung saan.

“Chad ma..*hik.. hal na ma.. *hik hal ki...*hik..  ta. Paano *hik mo to na *hik gawa sa*hik kin to *hik....”

Ayaw ko nang mabuhay pa, ayaw ko na talaga. Alam kong masama na pangunahan Siya. Pero hindi ko na kaya ang sakit. Napatingin ako sa basag basag na bote sa sahig at pinulot ko ang isa sa mga iyon. Sinubukan kong hiwain ang may pulsuhan ko pero sobrang hapdi. Napapikit ako at pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Pero muling bumalik ang nasaksihan ko kanina, Chad making love with his wife. Dahil doon hindi ko na inalintana ang hapdi at tinuloy ko na ang paglalaslas. Muling nag-unahan ang mga luha ko kasabay ng pagdaloy ng masaganang dugo mula sa pulsuhan ko then everything went black.

******************************************************************************************

RICHARD’s POV

“Goodnight Wife”

Hindi ko mapigilang hindi haplusin ang mukha ng natutulog kong asawa. Napakaganda niya. Para syang angel na bumaba mula sa langit. Parang hindi ko kayang saktan siyang muli. Napakarami na niyang pinagdaanan para saktan ko ulit siya.

Tumayo ako sa kama ko at hinayaan ko munang magpahinga si Alex. Masyado ko syang pinagod dahil sa mainit naming pagtatalik. Masaya ako sa nagiging takbo ng relasyon naming mag-asawa ngayon pero hindi ako makatulog dahil alam kong may nasasaktan ako. Si Nikkie.

Mahal ko si Nikkie, sobra sobra. Sya ang bumuo sa akin ulit matapos akong iwan ni Alex noon. Siya ay komumpleto muli ng buhay ko. Pero ngayong nandito na si Alex. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Totoong ako ang nag pauwi sa kanya dito ngunit hindi dahil gusto kong makipag-ayos sa kanya. Pinauwi ko sya dahil gusto kong humingi ng divorce. Dalawang taon na kaming hiwalay kaya gusto ko ng maging legal ang lahat para mapakasalan ko si Niks. Ganun ko sya kamahal.

 Pero sa loob ng ilang linggo naming pagsasama ni Alex sa iisang bubong, muling bumalik ang pagmamahal ko sa kanya, pagmamahal na akala ko noon ay wala na. Maraming beses ng may nangyari muli sa amin at inaamin ko na napakasaya ko. At hindi ko namalayan na nahulog na muli ako sa kanya at nakalimutan ko ng puntahan at tawagan man lang si Nikkie.

Naguguluhan ako ngayon sobra. Mahal ko si Alex, mahal ko ang asawa ko. Nasaktan ko na sya noon at ayaw ko ng maulit pa yun. Pero mahal ko din si Nikkie. Hindi biro ang pinagsamahan namin. Siya ang rason kung ano at nasaan ako ngayon. Hindi ko sya kayang mawala. Sya ang bumuo muli ng pagkatao ko.

Pero alam ko na pagnagpatuloy pa ito pareho ko lang masasaktan ang dalawang babaeng mahal n mahal ko. Dapat hangga’t maaga pa ay maayos ko na ang gulong pinasok ko. Dali- dali akong nagbihis at hinalikan ang noon ang natutulog kong asawa at lumabas ng silid na iyon. Kailangan kong makausap si Nikkie.

Dali-dali akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito papunta sa condo ni Nikkie. Kinakabahan ako. Parang may masamang magyayari.

Ilang beses na akong nag-doorbell pero walang nagbubukas. Alam kong nandito sya dahil sobrang lalim na ng gabi. Hindi na ako natutuwa kaya kinatok ko na ito ng kinatok na para bang anumang oras ay masisira ko na ang pinto. Umahon ang kaba sa dibdib ko dahil sa nakita kong munting bubog sa ilalim ng pinto. Agad kong nilabas ang spare key ko at nanginginig na pinasok ito sa keyhole. Tumambad sa akin ang napakagulong condo ni Nikkie at basag basag na bote pero tila tinakasan ako ng dugo ng makita kong nakahandusay si Nikkie sa may couch. Agad ko siyang pinuntahan at nanghilakbot ako ng makita ko ang hiwa at dugo sa pulsuhan niya.

“SHIT! SHIT! SHIT!” hindi ko mapigilang mapamura dahil sobrang putla na ng mukha ni Nikkie. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at sinakay ko na sya sa kotse at literal na pinalipad ko ang sasakyan ko sa pinakamalapit sa hospital.

Babe, Sorry . Dapat hindi mo to ginawa . I’m Sorry” Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang nagmamaneho ako papunta sa ospital. Hawak hawak ko ang isang kamay niya. Alam kong ako ang may kasalanan nito. Natatatakot ako. Ayaw ko syang mawala sa akin ayoko.

Nakarating kami sa ospital matapos ang 15 minuto. Agad syang dinala ng mga doctor sa emergency room. Hindi nila ako pinapasok sa loob kaya sobrang kaba habang naghihintay dito sa labas. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Lalo kasing gumulo ang sitwasyon.

“Please, Nikkie, Kumapit ka.”

Makalipas ang higit sa dalawang oras ay lumabas na ang doctor.

“ikaw ba ang asawa ng pasyente?” tanong sa akin ng Doctor.

“o-opo Doc, ako po” alinlangan akong tumango sa kanya.

“Wag kang mag-alala mister, stable na lagay nila , ligtas na ang mag-ina mo.........” 

****************************************************************************************** 

a/n 

ang tagal nag-away ng mga brain cells ko habang tintype to. Ang sakit sa ulo parang mauubusan ako ng tagalog. hahaha 

anyway. please vote if you think na deserving tong chapter na ito :) hahah

pahingi din ng COMMENT!! :(

short story to kaya ilang chapter na lang siguro.  . 

hindi ko pa narereach ang kota kong 150 reads :( huhuhuhuhu

you want dedication?? Comment lang :)

HOLO nagnobela na ako. enjoy reading :)) kung may nagbabasa man :(

LAbyuu!!

-babaeng nawawala ^^ 

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon