Shattered Hearts

20.5K 173 7
                                    

1.       Shattered Heart

NIKKIE’S POV

Gusto kong kalimutan lahat ng nangyari ngayong araw na ito ngunit taksil ang mga mata ko dahil hanggang sa ngayon ay hindi parin tumitigil ang pagdaloy ng luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon hindi lang pisikal dahil hindi lang doble o triple ang sakit ng puso ko, para akong unti unting pinapatay sa sakit.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa condo ko matapos iwan ang malaimpyernong lugar na iyon. Dali dali akong pumasok sa banyo at tumapat sa shower na hindi ko man lang tinatag-tag ni isang saplot sa aking katawan. Napaigtad ako sa hapdi at sakit ng katawan ko sa bawat pag patak ng malamig na tubig dahil sa napakarami kong kalmot at gasgas. Pero hindi ko yun alintana dahil walang wala yun kumpara sa nararamdaman ng puso ko.

“ARGHH!!! HAYOP KA CHAD! NAPAKAWALANGHIYA MO! NILOKO MO AKO!!! NILOKO MO AKO!! HAYOP KA” galit ako, galit na galit ako. Dalawang taon. Dalawang taon na nya akong pinaikot sa mga palad niya.  Pinaglaruan nya ako, niloko nya ako, pinaniwala nya akong mahal niya ako. Hayop sya.! “Ayoko na... a-yoko ng mabuhay pa...” patuloy parin ang paghagulgol ko habang pilit kong kinukuskos ang lahat ng bahagi ng katawan kong nahawan at nahalikan niya. Gusto kong tagtagin lahat ng marka niya sa katawan ko. Diring diri ako sa sarili ko, pakiramdam ko ang dumi- dumi ko na.

 Inabot ako ng mahigit limang oras sa banyo ng maiisipan kong lumabas. Lamig na lamig na at gutom na gutom na ko pero wala akong pakialam. Binalot ko ang katawan ko ng roba at wala sa sariling umupo sa kama ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko at nagsimula na namang dumaloy ang masaganang luha ko. Bumabalik sa akin lahat ng alalang pinagsaluhan namin sa kwartong ito. Pero bumalik lahat ng sakit ng maalala ko ang bawat sampal, tadyak at kalmot sa akin ni Alexndra kasabay ng katotohanang ang lalaking minahal at minamahal ko ay kasal na sa iba.

Para akong lantang gulay na inihiga sa kama ang katawan ko, “lahat ba ng pinagsaluhan natin sa mahabang panahon ay pulos kasinungalingan? Ha Chad? Masaya ka ba? Kasi ako Chad hindi” patuloy parin ang pagbuhos ng luha ko habang hihaplos ang unan ko, then everthing went black.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------____________________________

Two years ago...

 

“Ano ba bakit ba hindi ka nag-iingat??” galit na sigaw ko sa bumangga sakin at nagmamadaling pinulot ang mga nagkalat kong gamit, Letse lalo na akong nalate, malas naman oohh..

“Naku miss sorry, nagmamadali kasi ko” hinging paumanhin ng lalaking ito at yumuko na din para tulungan ako,

“ano bang magagawa ng sorry mo, ayan late na late na ako, pa----” napahinto ako sa pang-aaway sa kanya ng sa wakas ay tumayo ako at harapin ang lalaking ito, pwede bang magmura? Ay putang-ina kasi ay sobrang gwapo niya, literal na napanganga ako, those dark eyes na binagayan ng mahahabang pilik mata at medyo makapal na kilay, matangos ang ilong at sobrang perfect na mga labi.

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon