Jollibee

9.4K 120 9
                                    

17.  Jollibee

dedicated to @ClaOliveros thanks sa message mo sa MB ko ! Enjoy! :)

 

Nikkie’s POV

“Wake up, wake up, it’s already late” nagising ako sa yugyog sa kama na may kasama pang sigaw.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang pares ng magandang mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil kahit napakaganda ng mga matang iyon ay mababasa mo ang inis.

 

“Goodmorning Honey” bati ko sa kanya sabay paghalik ko sa noo nya.

“Ee,. get up already malalate na po tayo.” Sagot nya sa akin habang hinihila ako.

Napakunot ang noo ko at napatingin sa orasan sa may tapat ng pinto.

 

“7:00 am”

Nasapo ko ang noo ko at dali-daling bumangon.

 

“Sorry Honey, napasarap ang sleep ni Mama” hinging patawad ko sa anak kong nanunulis na ang bibig sa kapapout.

 

“Anjan na ba ang dad mo?” tanong ko sa kanya ng mapansin kong bihis na sya. Nangako nga pala akong magsisimba kami ngayon. Nakakainis at napasarap ang tulog ko.

“Yes Ma, nasa kusina na po sila” magalang nyang sagot sa akin habang inaayos ang sintas ng kanyang sapatos.

“Sige baby, punta ka na sa baba susunod na si mama. Intayin nyo ako ah I’ll be fast” Bilin ko sa kanya at nagtatakbo na sya.

Dali-dali kong tinungo ang banyo at binuhay ang shower. Ayokong pag-intayin ng matagal ang  pamilya ko.

Wala pang 10 minuto ay lumabas na ako ng silid ko. Konting pulbos at lipstick lang naman kasi ay okey na ako.

 

“Good Morning Mama” bati sa akin ng batang babaeng kamukhang kamukha ko napakaganda nya sa pink na dress na suot niya.

 

“Good Morning din Yana” Kinarga ko sya at bilang ganti ay kiniss nya ako sa pisngi.

“Ready?” tanong ko sa kanya at dali-dali naman syang tumango “Alright Let’s go!”

“Tiander!! Let’s go!” Sigaw ko dahil hindi ko makita ang gwapong nilalang na gumising sa akin.

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon