16. Limos
WARNING: SPG!! SPG!!
Alex’s POV
“Manang, dumating na ba si Chad?” Tanong ko sa katulong namin na sya ring taga pag-alaga ni Darwin. Andito pa sya sa kusina dahil pinakiusapan ko syang intayin ang asawa ko, baka kasi may iutos si Chad bigla pagdating nya.
“Maam hindi pa din po” magalang nyang sagot na ipinanglumo ko, hindi pa umuuwi si Chad mula pa kagabi at ngayon maghahating gabi na hindi pa din sya dumadating. Nag-aalala na ako dahil nakapatay ang phone nya.
“Sige Manang matulog na po kayo, pasensya na po at napuyat kayo. AKo na po ang maghihintay sa kanya.” Utas ko sa kanya habang kumukuha ng tasa sa cup board.
“Naku hindi naman po ma’am. Ako na po makakasama po yan sa baby kung kayo ang mapupuyat.” Mahinahong baling nya sa akin. Concern is written in her face.
“Ako na po manang, sige na po matulog na kayo” binigyan ko sya ng assuring smile para hindi na sya mag-alala.
“Sya sige po Ma’am. Ingat po kayo dito.” Tumango na lang ako bilang tugon at pumasok na sya sa kanyang silid.
Nagtimpla na lang ako ng gatas para hindi ako antukin at dumaretsyo sa sala. Dun ko na lang iintayin si Chad. Kinakabahan ako na baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Ilang buwan na din mula ng huling maging ganito sya. Noon ay yung panahong tinalikuran nya ang magaling kong kapatid.
May umahong galit at kaba sa dibdib ko ng maalala ko si Nikkie. “Wag naman sana” bolung sa isip ko.
Makaraan ang ilang oras ay may narinig akong malakas na kalabog sa labas. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding.
“1 am”
Hindi na ako nagtaka na sa nabungaran ko pagbukas ko ng pinto.
Isang lasing na lasing na Chad. Nakaupo sya sa sahig habang nakatungo na para bang hindi na kayang tumayo.
Umupo ako para maging kapantay ko sya pero laking gulat ko ng magtaas sya ng tingin.
Umiiyak na naman sya.
“Chad----“
Hindi na nya ako hinayaang magsalita at sinunggaban nya na ako ng halik. Isang agresibo at gutom na gutom na halik.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG