37. His Reasons
Nikkie's POV
"Miss Lee may bisita po kayo sa may lobby." Hindi ko napigilang mag-isip sa sinabing iyon ng isang staff sa pinagtatrabahuhan ko. I know na malabong si Denver ang bisita ko dahil these past few days ay palagi itong busy sa ibang business nito na kinailangan pa nyang bumalik sa Maynila at maiwan kami ng mga bata sa Lipa. Which is weird dahil noon kahit gaano ito kabusy sa trabaho ay agad-agad itong bumabalik para makita kami ng mga bata but I ignore any doubt in my heart when I knew na nagsisimula na pala itong iayos ang kasal namin. Nalaman ko iyon ng hindi sinasadyang nabuksan ko ang cellphone nya noong huli itong umuwi at nabasa ko ang isang email na galing sa wedding coordinator na kinuha niya. Bagay na humaplos sa puso ko. Inaamin ko na gusto ko na ding makasal agad kay Denver dahil alam ko na yun na lang ang kulang para matawag kaming pamilya na pinapangarap ko at ng mga anak ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Chad na walang patid ang pagpapadala sa akin ng mga bulaklak but I refuse to accept those dahil ayokong mamis-interpret ni Chad kung sakaling tanggapin ko iyon at isipin nitong may pag-asa pa kami dahil hindi naman ako tanga para hindi ko maramdaman na gusto nya akong ligawan muli. Ngunit higit pa doon hindi ko tinatanggap ang mga yun bilang respeto kay Denver. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa sya ganun kamahal but he deserve to be respected. I know unfair ako pero sa aspetong kaya kong ibigay ay ibubuhos ko lahat kahit yun lang ang magawa ko para sa lahat ng nagawa nya para sa akin at sa mga anak ko.
Kahit na may kutob ako ay tumayo na ako sa cubicle ko at tinungo ang lobby.
"Hi"
Napataas naman ang kilay ko ng sa wakas ay makaharap ko na ng bista ko at hindi nga ako nagkamali dahil si Chad nga ang nasa harap ko na sobrang laki ng ngiti sa mukha.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya habang sinasalubong ang mga titig nya. Unti-unting napawi ang ngiti nya at lumaylay ang balikat nya bago muling nagsalita.
"Let's talk!" madiin nyang sagot at napatingin naman ako sa orasan ko. It's already lunch time kaya naman sumama na ako. I know we need this to clear things out and to put closure in our relationship. Yes I really want it para tuluyan na akong makamove on at maibigay ko ang sarili ko ng buong buo sa taong pakakasalan ko.
Pinipilit nya ako na sa isang mamahaling restaurant pumunta para kumain at makapag-usap ngunit nagmatigas ako na sa Bojoks na lang kami para malapit. Agad akong umorder ng pagkain namin samantalang sya naman ay nanatiling nakaupo at pinagmamasdan ang paligid. Pinipilit nya pa na sya ang umorder ngunit alam kong hindi sya sanay na pumila kaya ako na ang nagkusa.
Noong una ay parang nag-aalangan syang kumain sa lugar na iyon ngunit hindi na rin sya kumontra pa ng matikman nya ang sisig doon. Lubos din naman akong nagpasalamat dahil hindi nya agad binuksan ang usapan at hinayaan nya muna akong kumain.
"Hindi ka pa din nagbabago." Napaangat ako ng tingin sa kanya at napansin kong ubos na pala ang pagkain nya.
Tinaasan ko lang sya ng kilay at ininom ang softdrink na inorder ko.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG