Ikaw

7.3K 98 13
                                    

39. Ikaw

"Mommy, wake up wake up. Arghh wake up na mommy!"

"Kuya Mommy is still sleeping it's getting late."

Unti unti kong minulat ang mga mata ko nang may marinig ng munting mga tinig maya maya pa ay naramdaman kong niyuyugyug niya ang balikat ko para magising ako.

"Yey! Gising na si Mommy." Nakangiting bati sa akin ni Yana na nasa tabi ko. I smiled at her and kissed her forehead.

"Good morning Princess." Bati ko sa kanya at bilang ganti ay pinupugan nya ako ng halik sa buong mukha. My princess is really sweet. Napangiti na lang ako habang ninanamnam ang bawat halik ng bunso ko.

 

"Enough na yan Yana para makastand na si Mommy tanghali na o," agad naman akong napatingin sa batang lalaki na prenteng naka-upo sa may couch habang nakataas ang isang kilay. Tsk. Hindi pa din nagbabago napakainipin pa din.

"Good morning baby boy, hindi mo man lang ba babatiin o ikikiss ang mommy?" Tanong ko sa kanya and he just rolled his eyes and walked towards me. He gently kissed my cheeks and greeted me back.  Napailing na lang ako. Tiander will always be Tiander.

 

"Get up na Mom can't you see you're getting late." Bigla kong naalala kung anong meron at dagli akong napatingin sa orasan sa dingding. Ghaaad! Natampal ko ang noo ko. muntik na ako dun. Bigla namang may umahong saya at kabog sa dibdib ko ng maalala ko ang magaganap sa araw na iyon.

Parang hinahaplos ang puso ko ngunit agad na nalipat ang tingin namin ng mga anak ko nang bumukas ang pintuan at niluwa noon si Venice?.

 

 "Best, My ghaad anong oras na nakahilata ka pa dyan. Kung hindi ka pa aakyatin ng mga anak mo ay hindi ka pa babangon. Tsss," palatak nya sa akin at inilipat ang tingin sa kambal na nakatingin lamang sa kanya. Am I dreaming?

"O, babies baba na kayo roon ako na bahala sa Mommy nyo." They nodded and kissed me again and left my room. Doon lang nag-sink in sa utak ko ang nasa harapan ko.

  "Earth to Nikkie Frietzie Lee. I know I'm pretty but hell yeah I'm real." Pagmamayabang nya a talaga namang namewang pa ang gaga. Agad akong napatayo sa kama at niyakap ko sya ng mahigpit.

"O, my, you are real, really real." I said habang yakap yakap ko sya. Agad namang pumatak ang butil ng luha sa mga mata ko. It's been a while ng huli ko syang makita. Three years? O apat na ata. I really missed my best friend. Pagkatapos kong umipat dito sa Lipa ay isang beses nya lang akong dinalaw dahil kinailangan na nyang pumunta sa Australia because of their family business.

We never lost communication but still iba pa din yung in flesh mo syang makikita o makakausap. It is really true that girls can survive without a boyfriend but they can't survive without a best friend.

Bumitaw sya ng yakap sa akin at hinarap ako.

 

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon