24. Visiting Her part 1
CHAD’s POV
“Papa giting na daliiiii..” yugyog sa akin ng prinsesa ko pero dahil sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover ay hindi ko magawang mumulat.
“Shhh, Alexa 5 mins pa masakit ang ulo ni Papa.” Saway ko sa kanya pero hindi sya tumigil sa halip ay umupo pa sya sa may bandang tyan ko. Kay kulit na bata.
“Ee, tabi ni Kuya punta tayo kay Mama. Giting na... Phuleate” Pamimilit nya sa akin habang niyuyug ako. Juice ko po ang kulit ng batang ito.
“Sige na baby gisng na si Papa alis ka na dyan sa tyan ko.” utos ko sa kanya mabuti naman at umalis sya. Kaya naman kahit masakit pa ang ulo ko ay nagpumilit akong bumangon at umupo sa dulo ng kama.
“Ayan kasi inom ng inom hindi naman pala kaya.” Napalingon ako sa nagsabi nyan walang ibang kundi si Darwin na nakapout na nakaupo malapit sa TV. Napailing na lang ako sa batang ito ako ang tatay pero lagi nya akong pinagsasabihan.
“Sorry na po Itay hindi na po mauulit.” Pang-aasar ko sa kanya at hayun inirapan lang ako ng magaling kong panganay. Minsan nga naiisip kong bakla yan ee, laging wagas makapout tapos ang hilig mang-irap pero wag ka madami yang chicks sa school.
“Papa, tayo na po ta baba. Gutom na tsi Alexta.” Biglang singit ng bunso ko na hanggang ngayon bulol pa din sa “s”.
“Say S muna anak bago tayo bumaba pag hindi dito na lang tayo.” Hamon ko sa kanya habang nakangiti. Bigla naman syang umakyat sa kama ko sabay higa at pumikit pa.
“Dito na lang tayo Papa. Di ko kati kaya” Sagot nya sa akin na ikinatawa naming dalawa ni Darwin.
“Hahahahaahahh ” Tuloy pa din kami ni Darwin ng bigla syang nagpapadyak.
“Ee, wag na kayo tawa di ko po talaga yung et. Ahh wag na nga po kati” Maktol nya habang patuloy pa rin kaming tumatawa ng kuya nya.
Tumayo na ako at binuhat sya mula sa kama. “Haha, Joke lang naman princess tara na sa baba ng makaalis na tayo alam kong hinihintay na kayo ni Mama nyo.”
------------- - --------------------------------------------------------------------
“Oh mga anak malapit na tayo sa tulugan ni Mama ready na ba kayo?” Nilingon ko silang dalawa na masayang naglalaro sa likod ng sasakyan.
“Yes Papa, ang tagal ko pong hinintay na makita ulit sya.” Sagot ni Darwin habang hinahaplos ang buhok ni Alexa. Kitang kita ko sa mga mata nila ang tuwa at exciement.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG