30. The Wedding
“ Sya ba ang Papa namin, Mama?”
Wala akong nagawa kundi ipikit ang mga mata ko. Hindi ko magawang linunin si Tiander. Ayaw kong makita ang mga mata nya. Ang mga reaksyon nya.
Dumating na kinatatakutan ko. Ang bilis. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya.
“Tinatanong ka ng anak ko Nikkie.” Madiing sambit ng kaharap ko.
Napamulat ako dahil sa mga salitang iyon. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.
Hinarap ko ang anak ko at nagulat ako na hindi lang pala si Tiander ang nandoon. Nagtatago sa likod nito si Yana na sa tingin ko ay nagsisimula ng umiyak.
“No babies, hindi sya ang Pap---..”
“Wag kang magsinungaling sa mga anak ko Nikkie.” Hindi ko nagawang matapos ang sasabihin ko ng putulin ni Chad ang kasinungalingan hahabiin ko.
Dalidali nyang inubos ang pagitan nila ng mga anak ko at niyakap ang mga ito ng mahigpit na parang anumang oras ay mawawala ang mga ito.
Halos madurog ang puso ko sa tagpong iyon. Ang mga anak ko sa bisig ang totoo nilang ama. Mga bagay na pinapangarap ko noon. Pero ngayong nasa harap ko na parang may ilang libong palaso na tumutusok sa dibdib ko dahil alam ko sa mga oras na ito parepareho kaming nasasaktan.
“Oo mga anak. Ako ang Papa nyo.” Paulit-ulit na bulong ni Chad sa kambal habang tuloy-tuloy sa pag-iyak. Ang mga anak ko man ay wala ding tigil sa paghikbi bagaman sa una ay pumipiglas ay nakayakap na din sa ama nila.
Tanging pag-iyak na lang tuptop ang aking bibig ang nagawa ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko magawang kumilos. Para akong tinakasan ng lakas sa tagpong nasasaksihan ko. Gustong gusto kong ilayo ang mga anak ko sa bisig ng taong nanakit sa akin ngunit hindi ko maatim na dagdagan pa ang sakit na kanilang nararamdaman sa mga oras na iyon.
Tama na. Hindi ko na kaya.
Bigla namang umusbong ang pag-asa sa puso ko ng biglang may mainit na mga bisig na yumakap mula sa likuran ko.
Ang lalaking hindi ako iniwan na syang naging sandalan ko sa loob ng matagal na panahon. Ang lalaking sumambot sa kin. Ang lalaking minamahal ko ngayon.
“Shhh.. Don’t cry. I’m here I’ll fix this.” Bulong nya sa akin ngunit ang akala kong luha na maapat ay lalo pang nagpatuloy sa pag-agos.
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin sa hinarap ang mga taong tinititigan ko kanina pa.
___________________________________________________
Denver’s POV
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG