13. Sino Ako?
Nikkie’s POV
Nakaalis na si Alex pero hindi pa din nagsisink-in sa utak ko ang mga sinabi nya. Paano nangyari na anak ako sa labas ay meron naman akong buong pamilya. Ibig ba sabihin nito ay pinagtaksilan ni Mom si Dad noon. Pero imposible mahal na mahal nila ang isa’t isa. Kaylangan kong malinawan sa mga nangyayari, kelangan kong makausap ang mga magulang ko.
Marahas kong pinahid ang mga luhang nagpapatakan sa mga mata ko at kinuha ang bag ko sa itaas. Kailangan ko silang makausap ngaun din.
Agad kong pinasibad ang sasakyan patungo sa mansion ng mga Lee. Wala pa ring tigil ang patak ng mga luha ko. Napakabilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan kaya naman hindi nagtagal ay nasa tapat na ako ng malaking gate ng bahay namin.
Bumusina ako at agad naman akong pinagbuksan ng gate marahil ay nakilala ng gwardya ang sasakyan ko.
Nangangatog akong bumaba sa sasakyan ko at nangangatal na kinatok ang malaking pinto sa harap ko.
Bumungad sa akin ang masayang mukha Aling Nena na mayordoma naming, sya din ang nag-alaga sa akin ng bata pa ako dahil laging nasa opisina sina Dad.
Biglang naglaho ang ngiti sa mukha nya ng makita ang mukha kong tigmak ng luha at lalong nalukot ang hitsura nya ng magawi ang mata nya sa malaki ko ng tyan.
“Nasan sina Dad Manang” Diretsyo sa mata kong usal sa kanya wala akong panahong magpaliwanag sa kanya ngayon.
Para naman syang natauhan sa tanong ko at nilakhan ang bukas ng pinto. “Pumasok ka muna Iha tatawagin ko ang mga magulang mo” Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Maya-maya ay may narinig akong mag yabag mula sa itaas at hindi nagtagal ay dalawang bulto ng tao ang humarap sa akin.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ngdalawang tao kaharap ko ngayon. Mula sa nakangiting mukha ay nangunot ang noo ni Dad samantalang si Mom ay natutop ang kanyang bibig. Kitang-kita sa mga mata nila ang pagtataka at disappointment.
“Bu-buntis ka?” takang tanong sa akin ng aking ina. Biglang bumalik sa akin ang mga sinabi ni Alex kasabay ng pag-ahon ng galit ko sa babaeng kaharap ko sa ngayon.
“Yes Mom” at sumilay sa mga labi ko ang isang mapait na ngiti. “Do you want to know who the father is?”
Wala akong narinig na sagot kina Mom and Dad na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha kaya naman tinuloy ko na ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
HIS MISTRESS
RomanceMAMAHALIN MO PA BA SYA KUNG ALAM MONG RESERBA KA LANG?? Warning: Rated SPG