Family Bonding

8.8K 117 2
                                    

22. Family Bonding

NIKKIE’s POV

 

“Dali Dad, baka magising na si Mama”

 

“Shh, Yana quiet!”

 

“sya babies pwesto na. Game na?”

 

“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday happy birthday to you!” sabay sabay na kanta ng mga mahal ko. Gising na ako pero hindi ko pa din minumulat ang mga mata ko. Nakakatuwa kasi silang pakinggan habang nag-aaway na wag maingay para di ako magising.

Hala Dad bakit hindi pa namulat si Mama?” inosenteng tanong nga prinsesa ko.

 

“Kaw kasi Yana ang panget ng boses mo hindi tuloy nagising si Mama.” Talaga namang nang-asar pa ang Tiano ko.

“Ee, Dad panget ba talaga boses ko? Eee, I hate you kuya” pagmamaktol ni Yana. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kulitan ng tatlong ito pero pilit ko pading hindi imulat ang mga mata ko.

 

“Hahaha, o, tama na yan mga anak. Hmmm, alam ko na ikiss natin ng madami si mama para magising na parang si sleeping beauty tamu o nakangiti sya kahit pikit.” Biglang singit naman ni Denver.

Maya maya pa ay naramdaman ko ng may umakyat sa kama at may mga mumunting labi na humahalik sa buong mukha ko. unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang  nakangiting mukha ng kambal ko.

 

“Yehey success! Gising na si Mama!” biglang talon ni Tiano sa kama.

 

“Goodmorning babies wow naman ang cucute nyo.” Bati ko sa kanila. Nakakatuwa kasi parepareho pa silang mag-aama na may party hat tapos may mga lobo pang hawak si Denver.

 

“Happy Birthday Frietzie, yak ang tanda mo na hahaha” pang-asar na bati ni denver, dumukwang sya sa akin para halikan ako sa noo. I just rolled my eyes on him.

 

“Mama bangon ka na po dyan nagprepare kami nina Dad ng breakfast mo sa baba dali!!” masiglang sabi ni yana na may yugyug pa sa kama.

 

“sige Princess magsi-cr lang si Mama tas susunod na ako sa inyo” sagot ko sa kanila at hinalkan ko sila pareho sa lips bago sila bumaba at ako naman ay nagpunta na sa banyo.

Pagbaba ko sa kusina ay nadatnan kong nakaupo na ang mag-aama ko sa lamesa at handa ng kumain. Pinaghila naman ako ni Denver ng upuan.

Ang breakfast na hinanda nila para sa akin ay pancake na may gatas, haha I knew it yun lang naman ang alam nilang lutuin.

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon