Shit

7K 92 3
                                    

29. Shit.

Nikkie’s POV

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang panlalambot ng tuhod ko. Buti na lang at nakahawak ako sa hamba ng pinto ng ito’y buksan ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang anumang oras ay sasabog na ito. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko ngunit sadyang napakalakas ng kabog ng dibdib ko.

Alam kong mangyayari ang bagay na ito pero hindi ko alam na ganito kaaga. Hindi pa ako handa. Natatakot ako . Kinakabahan. Nasasaktan.

“Hi” tipid nyang bati habang nakatingin ng diretsyo sa aking mga mata. Halos walang pinagbago sa hitsura nya maliban sa iilang balbas na timutubo sa ilalim ng kanyang baba ngunit hindi yun nakabawas sa kagwapuhan nya sa halip ay lalo lang itong nagpalakas ng dating nya.

Pilit kong iniwas ang tingin ko sa mga mata nya dahil konti na lang bibigay na ang mga tuhod ko. Sobrang tindi ng mga titig nya. Sumisigaw iyon ng kapangyarihan, karangyaan, kayamanan ngunit nagingibaw ang pangungulila  sa mga mata niya.

“Anong ginagwa mo dito?” Mapait na tugon ko sa kanya. Hindi nakalagpas sa akin ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nya ngunit agad din naman nya iyong inalis.

 

“Kumusta ka na?” Kaswal nyang tanong na para bang hindi nya pinansin ang pagdisabpruba ko sa presensya nya.

I lift a brow on him. “How dare you!” sigaw ng utak ko. Ang kapal ng mukha nyang itanong kung kamusta na ako samantalang tinalikuran nya ako ng mga panahong kailangang kailangan ko sya.

I heard him sighed.

I felt my body froze nang maramdaman ko na pinaloob nya ako sa mga bisig nya.

Pagkatapos ng ilang taon naramdamn ko muli ang mga bisig ng taong minahal ko ng sobra. Pinilit kong makawala sa kanya ngunit napalakas nya. Unti-unti ay nagbalik lahat sa akin ang mga alaala nya. Kung paano nya ako ginamit at pinaglaruan. Kung paano nya ako tinalikuran. Muli ay nabuhay ang galit ko sa kanya na kay tagal ko ng kinalimutan at gamit ang natitira kong lakas ay tinulak ko sya.

“Umalis ka na,Chad!” sigaw ko sa kanya.

 

“I’m sorry Nikkie. Please let me explain. I’m sorry, hear me out please. I want you back. Ikaw at ang mga anak natin” Hindi ako makapaniwala sinabi nya. Sorry? He wants me back? Ang kapal ng mukha nya. Pagkatapos ng lahat ng sakit na ibinigay nya sa kin. He wants me back. Tangna lang.

 

“Umalis ka na Chad bago pa ako magpatawag ng pulis. At wag ka babalik pa dahil wala ka ng babalikan” Madiin kong sabi sa kanya akmang isasarado ko na ang pinto ng harangin nya ito.

“Please Nikkie pakinggan mo naman ako. Give me a chance please.” Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ayokong makita nyang nasasaktan ako. Na mahina ako pagdating sa kanya.

 

“Please Babe, kahit ilang minuto lang. Kahit dalawang minuto lang, pakinggan mo ako.”

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon