The Arrival

9.6K 111 3
                                    

11. The Arrival

Chad’s POV

Nag-aayos na ako ng gamit ng tumawag sa akin ang asawa ko na umuwi daw ako ng maaga dahil may surpresa ito sa akin kaya naman nagmadali na akong ligpitin ang gamit ko at lumabas ng opisina. 

Pero bago ako umuwi ay dadaan muna ako sa supermarket para bumili ng santol at mayonaise. Ito kasi ang pinaglilinhan ni Alex. Naalala ko pa ng pinilit nya akong tikman yung kinakain nya sinawsaw nya muna yung santol sa mayonaise saka sinubo sa akin. Halos mabilaukan ako sa lasa nun pero pinilit ko pa ding ipakita na sarap na sarap ako dahil magtatantrums na naman yun.

“Si Nikkie kaya sinegwelas pa din ang pinaglilinhan? Hayyyy..”

Sa tuwing naiisip ko si Nikkie hindi ko mapigilang hindi manghinayang at masaktan. Mahal na mahal ko pa din sya, walang nagbago. By now, 5 months na ang dinadala ni Niks at pagkatapos ng 4 na buwan magiging ama na ako. “wala kang karapatan sa batang yun, matapos mung talikuran” napangiti ako ng mapait sa mga naiisip ko. Wala na talaga akong karapatan sa bata.

Isang buwan na ang nakakalipas mula ng hilingin ko kay Alex na tulungan akong magwork ang kasal namin. At loob ng isang buwang yun pinilit ko syang mahalin na gaya ng dati because she deserve to be loved. Wala syang pinakita masama sa akin at never nya akong sinukuan. Kaso nakakalungkot isipin na si Nikkie pa din. But I’m trying my best to move on.

*beep beep*

Bumalik ako sa diwa ko ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako sa nabasa ko.

From: Alex

Asan ka na lalaki? Pagluto kita ng Fave mo.

Napaka inipin talaga ng asawa ko at nakakatuwang isipin na pinagluto nya pa ko.

To: Alex

Pauwe na po. May dinaanan lang ako sa supermarket, your santol and mayo.

Dali-dali na akong nagpunta sa cashier at binayadan ang mga pinamili ko. Nang makarating ako sa parking lot tiningnan ko muna ang phone ko bago sumakay.

From: Alex

Yey! Thanks Chad. I love you. Take Care Hubby :)

To: Alex

Your welcome Wife. Sure I will.

Pagkatapos kong sagutin ang text nya ay binulsa ko na ang phone ko at sumakay na sa sasakyan at pinaharurot iyon.

Pagbukas ko ng condo ay napakunot ang noo ko dahil sa kalat sa living room. Nakakapagtaka dahil napakalinis ni Alex sa bahay.

HIS MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon