CHAPTER 14

135 4 0
                                    

 

•••

" Gabe! Sa likod mo! " sigaw sa akin ni Adam isa sa mga kasama kung Vampire Knight dito at pinsan ko.


Umilag naman ako sa bampirang sumugod sa akin sa aking likod. Puno ng dugo ang kanyang bibig at pulang pula ang mata nito na handa ng pumatay.


Napangisi naman ako dahil doon. Iwinaksi ko ang aking sandata sa katawan nito at sa isang iglap ay bigla na lang itong naglaho. Wala na ang bampirang kanina ay sabik akong patayin kanina.



Tumalikod na ako doon at tinulungan sina Adam at ang iba ko pang mga kasama gamit ang aking sandatang reaper. Marami rin ang umataking Insane sa amin ngunit may napuruhang isang propesor kanina ang alam ko nakapasok na ito sa Academy kaya naman hindi na ito nasundan pa.


Ang propesor na iyon ay ang nagpaalam sa amin na nandito na ang mga Insane hinabol kasi siya mula sa bayan kaya naman nakarating ang mga Insane dito ngunit hindi na sila nakapasok pa dahil sa may Shield ang akademya may roong ginawang ritwal ang mga salamangkero dito upang hindi mapasukan ng sino mang magtangkang sirain ang akademya.


Pagkatapos ng ilang minutong labanan sa mga Insan na bampira ay natapos din kami. Nakita ko namang lumabas ang mga Legendary Vampires pero pinigilan ng mga kasama ko sila upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Tatlo lang naman ang aming tungkulin bantayan ang ang mga Master, protektahan ang Akademya at, paslangin lahat ng mga Bampirang Insane.

Nakita ko namang may lumabas din ang iba pang propesor at tiningnan kung anong nangyari.

 

" Anong nangyari dito ? " Tanong ng isang babaeng propesor 

Napatingin naman siya amin at sa mga dugong nagkalat. Napatakip ito ng bibig at gulat na gulat ito sa nakita. Napatingin naman ito sa akin at nagulat din.Puno ng dugo ang aking sandata kasama na rin ng aking gamit


Si Tita Allyne..


Siya ang tumitingin sa aming magkakapaid ng mawala ang aming mga magulang ito na rin ang naging pangalawang ina ko.

" Gabe! " tawag niya sa akin at patakbong lumapit sa akin


Batid ko naman ang kanyang pag-aalala sa akin. Niyakap niya ako ng makalapit ito sa akin. Napabuntong hinga na lamang ako dahil sa inasta ng aking Tita Allyne.


Iniharap niya ako sa kanya at tinanong


" Anong nangyari sayo Gabe bakit puro ka dugo ? Nasaktan kaba ? " tanong niya sa akin at kinapa kapa ang aking braso at ulo.


Iwinakli ko lang ito at mas lalo itong nagulat dahil sa ginawa ko. Tiningnan ko naman siya ng malamig na titig kaya naman ay napaatras siya at napayuko na lamang.


Sobra kasi kung mag-alala. Alam ko namang kailangan niiya kaming alagaan ngunit lsobra na man ito kung mag-alala sa akin pati na rin sa aking mga kapatid


" Gabe " wika ng isang malamig na tinig mula sa aking likuran

Napakunot naman ang noo ko ng marinig ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

Siya na naman.'


Ano bang ginagawa niya rito ?

Ah. Nga pala siya na ang Master ko ngayon bilang kapalit ni Kuya Gane. 

" Sumunod ka sa akin " ma awtoridad na wika niya at na una ng naglakad papasok sa akademya.

Wala na man akong nagawa kundi ang tahimik sumunod sa kanya. 

Habang naglalakad akong nakasunod sa kanya ay bigla ko namang naalala ang nangyari ng nakalipas na araw ng mahimatay ako dahil sapag gamit ko ng sobrang kapangyarihan. Pagkagising ko nun ay pinag sabihan agad ako ni Kuya tungkol sapag gamit at alamin ang limitasyon ko.


Alam ko naman na may limitasyon ako pero hindi ko naman mapigilan ang pag gamit ng kapangyarihan ko.

Sigh'


Napatingin ako sa harap ko at nakita ko siyang nakatitig sa akin. 


Iyong Halik.



Ang halik ang naaalala ko kapag kaharap ko na siya. Ewan ko ba kung bakit pero napakalaki ng epekto nung halik na iyon sa akin. Hindi ko siya napigilan dahil na rin sa gulat ko. Pero hindi ko talaga alam kong anong dahil kung bakit ako nagkakaganito. Palagi kung naiisip ang halik na iyon.

Ang una kong halik.



" Gabe ? " nabalik naman ako katinun ko ng may tumawag sa pangalan ko at napatingin sa harap.


" Yuan " banggit ko sa pangalan niya. At siya naman pagngiti niya sa akin.

*tugdug*

Bakit ganito?

•••

-Cejhy

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon