CHAPTER 13

148 5 0
                                    

Continuation...

•••

Yuan POV

Mabilis lumipas ang araw at naging mabuti na ang lagay ni Gabe. Ngayon ay magsisimula na siya sa pagiging isang Vampire Knight. Pumayag siya sa alok ng kanyang nakakatandang kapatid na siya bilang kapalit nito sa pagiging Knight ko  kaya naman lubos ang saya ngayon.

" Master " wika ni Gane sa aking likuran

" Magpapaalam na po ako. " dagdag na wika nito

" Magpapa alam ? Anong ibig mong sabihin ? " tanong ko sa kanya ng puno ng pagka gulat.

Hindi ko alam na aalis pala siya. Wala siyang sinabing anuman sa akin tungkol dito kaya naman hindi ko lubos makaramdam ng lungkot dahil sa kanyang sinabi. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin hindi ko siya tinuring bilang isa lang tagabantay ko pero isang tunay na kaibigan.

Napabuntong hininga na lamang ako.

" Opo. Kailangan ko po kaising umalis dahil may utos po sa akin ang aking Lolo " sagot niya habang nakayuko

" Oh sige " yun na laman ang tangi kung sagot 

" Sige po. Sana po ay magkasundo kayo ng aking nakababatang kapatid " nakangiting nitong saad sa akin

Tila ay may kahulugan ang mga ngiting iyon na labis kung ipinagtaka 

Marahil ay na diskubre na rin niya.

Napangiti naman ako dahil sa kanyang sinabi.


Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Gane ay umalis na ito at ako naman ay pumunta na sa aking klase. Lahat ng Legendary Vampires ay nag-aaral dito sa VA ( Vampire Academy ). Buong gabi kami nag-aaral at tuwing umaga ay nasa kanya kanya kaming bahay nagpapahinga.

Ang mga Vampire Knight ay nag-aaral lamang tuwing umaga sa VA at gabi ay sila ang nagbabantay sa amin sa paaralan. Napakahirap maging isang Vampire Knight dahil buong araw itong dapat gising. 

Kalahati sa mga nag-aaral upag maging Vampire Knight ay kalahating may dugong bampira at ang iba naman ay purong tao at purong bampira.

Ngunit may isang klase ng bampira ang mapanganib. Ang mga bampirang insane o mga bampirang nawala sa katinuan at hayok sa dugo.



Nandito ako ngayon sa aming silid kasama ang ibang Legendary Vampires. Oras na kasi ng klase namin.


" Yuan! " tawag sa akin ng pamilyar na boses.

Napalingon naman ako upang tingnan kung sino ang tumawag sa aking pangalan.

Isang malamig na titig ang aking ginawa ng makita ko kung sino iyon.

" Larrence " sambit ko sa kanyang pangalan

Ano namang kailan niya? Tsh.'

" Haha kamusta ka na Yuan matagal na rin ng huli tayong nagkita " nakangiting sabi nito

-__________________________-

Hindi ko gusto ang presensya niya kapag malapit ito sa akin kaya naman umiiwas ako rito. Pero ano ba ang ginagawa niya rito dapat ay nasa England ito ngayon.

Tss..

" Bakit ? " tanong ko at napatingin sa bintanang katabi ko na makikita ang bilog na buwan.

" Hahaha Kinakamusta lang kita. Nga pala nabalitaan kong umalis daw si Gane na iyong Knight. kung ganoon ay sino na ngayon ang knight mo ? tanong niya sa harap ko

" Ang kapatid niya " walang emosyon kung sagot sa kanya at binalik ang tingin sa buwan

" Ahh. Si Gabe pala. Balita ko ay maganda raw ito at malakas ah " wika niya habang nakangiting aso sa mga labi nito

Napatingin naman ako sa kanya at tiningnan siya ng madilim. At ano namang ibig sabihin niya? Gusto niya ito o trip lang? Gago talaga kahit kailan.'

Lumapit naman ito sa akin at may ibinulong sa aking tainga.


" Kaya naman bantayang mong maigi ang Knight mo kung hindi baka maagaw siya sayo " makahulugang sabi nito.


Tsk!

Kahit kailan wala pa akong ginusto na hindi naging akin at hinid ko hahayaang makuha ito. Hinding hindi. 

Blag!

Isang pagbagsak ng pintuan ang nakakuha ng atensyon namin at doon ay nakita ko si Mr. Gon nakatayo at hingal na hingal.

" Tu-tulo-long " wika niya at bumagsak

Si Mr. Gon ay isa aming propesor. Isa rin siya sa mga pinagkakatiwalaan ng mga Nakakataas na bampira.

Agad naman naming tinungo siya at tinanong.

" Anong nangyari Mr. Gon ? " tanong isa sa amin

" Ma-y ma- mga i-in-san- sane " hirap  nitong sabi sa amin

Napatingin naman ako sa kanyang leeg at mayroong dalawang bilog nito at may kaunting dugo. Isa iyong kagat ng bampira ngunit hindi isang pangkaraniwang bampira. 

Nandito sila. 


Itutuloy..

•••

A/N: Salamat sa mga nagbabasa. xoxo❤

-Cejhy

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon