•••
Gabe POV
Napagpasyahan kung tumambay dito sa Garden. Mahilig kasi si Lola sa mga halaman kaya nagkaroon ng Garden dito sa bahay. Siya rin mismo ang nagtanim ng lahat ng meron dito at mula noong nawala siya ay si lolo na ang nagpatuloy sapag aalaga.
Napaupo ako sa may bench at napatingin sa langit. Napakaraming bituin. May mga malalaki at napakaraming malilit.
Kumikinang at kumikislap.'
Hmmm.
Napangiti ako sa kawalan at napatitig sa langit. Isang napakagandang tanawin.
" Ikaw pa rin talaga Gabe hanggang ngayon. "
Ayan na naman siya.'
Napawi ang saya ko ng marinig sa aking isip ang sinabi niya. Bakit mo ba ginagawa ito sa akin Yuan?
Tsk. Ginugulo na naman ako.'
Ano na naman kayang pumasok sa isip niya at nagawa niya iyon parang sabik na sabik siya kanina sa dugo. Eh kontrolado naman niya ang pagka uhaw nito?
Napabuntong hinga na lamang ako at ibinalik ang tingin sa kalangitan.
" Pssst! "
Ha? Sino iyon?
Napatingin tingi ako sa paligid pero walang tao. Bahagya akong tumayo at naglakad nang may maramdaman akong presensya Sa likod ko at paglingon ko.
Psh.'
(-_________-)
Si Pin lang pala akala ko naman kung sino. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
At ano namang ginagawa niya rito?..
Nakuha naman niya ang gustong kong iphayag at nagsalita siya.
" A-ah ,eh ano kasi pinapatawag kana ni Lolo Harold kakain na daw. " wika niya at umalis agad.
Ano bang nagyari doon? Bigla bigla na lang umaalis ng walng pasabi.
Sumunod na ako agad sa kanya. Pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa kanila. Kita kung kumakain na sila si Lolo na nasa dulo ng mesa at katabi sina Pin at Yuan na magkaharap.
Saan ba ako uupo?
Ang tanong saan ako tatabi?
(>_______<)
" Gabe apo halika ka na at maupo. "
Napadako ang tingin ko sa upuan katabi ni Pin at doon napaupo. Bahala na nga.
Nag angat ako ng tingin na siya namang pagtama ng tingin namin ni Yuan.
Huwag mo ng pasukin ang isipan ko Yuan. Tch.' Tinitigan niya ako hindi dapat ako direktang tumitingin sa kanya para maiwasan ang dinig sa kanya. Pero hindi nito iniwas ang tingin bagkus ay tuon na tuon ang atensyon sa akin na para bang kami ang naririto.
Sh*t.'
Mura ko sa isipan ko. Iniwas ko agad ang tingin ko at itinuon ang pansin sa pagkain.
Nakakailang hindi ako komportable sa mga titig niya.'
Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Ang tahimik lahat kami ay busy sa pagkain.
" Bukas ay magsimula na kayong pumasok sa Crone University. "
What?
Bakit kayo? Ibig sabihin ba niya ay kasama silang papasok? Akala ko ba ay may misyon kami ngunit bakit kailangan pa nilang pumasok?
BINABASA MO ANG
VAMPIRE KNIGHT: The Blood Moon
VampirePuno ng katanungan ang buhay ng isang tao. Hindi mo malaman kung lahat ba na nasa iyong paligid ay totoo o pawang kasinungalingan. Maaaring isang panaginip lang ang lahat at sa isang iglap ikaw ay magising sa realidad.