CHAPTER 15

146 3 0
                                    

A/N: UPDATED! 

•••


" Master " pagtatama ko sa aking sinabi.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Muntikan ko nang makalimutan na Master pala ang dapat kung itawag sa kanya.

Sigh'

Napatitig lang naman siya sa akin at naunang pumasok sa loob ng silid.

Sumunod naman ako sa kanya at pumasok na din sa silid kung saan siya pumasok.

Pagkapasok  ko ay nakita ko siyang nakaupo sa may couch. Sa tingin ko ay nasa silid niya kami tutuusin parang isang bahay na rin ito ng mga Legendary Vampires dahil nandito lahat ng kanilang kailangan.

Ang bawat Legendary Vampire ay may kanya kanyang silid at sa bawat silid nila ay doon rin kaming mga Knights nila. Oo nga pala muntik ko nang makalimutan siya pala ang Master ko dahil sa ako ang apinalit ni Kuya Gane sa pagiging Knight.

Napalingon naman siya ng ako ay makapasok na. Titig lang ito sa akin at sa tingin ko ay malapit na akong matunaw dahil sa paraan niya ng pag titig sa akin.

" Umupo ka " utos niya sa akin at siya naman ay aking sinunod

Pagka-upo ko ay bigla naman siyang lumapit sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit siya lumapit at ng tumingin ako sa kanya ay naka tingin ito sa aking braso.

Dugo.

Agad naman siyang kumaha ng isang tela at pinunasan ang braso na may bahid ng dugo. Siguro ay nakuha ko ito ng makipaglaban ako kanina. 

" Ayos ka lang ba ? " tanong niya sa akin habang pinupunasan ang dugo sa aking braso.

 Konting sugat lang naman iyon pero kung mag-alala siya parang malaki.

Pag-alala iyan ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Pagkatapos niyang punasan ang aking braso ay nilagyan niya ito ng isang band aid na kulay kahel.

Napangiti naman ako ng makita kung ano ang kulay nito.

Kulay kahel ang paborito kung kulay.

Ngunit agad ko naman iyong binawi dahil sa hindi nito inaalis ang tingin sa akin.

" Master, hindi niyo naman po kailan lagyan iyan ng band aid. Maya maya ay gagaling na rin ito " wika ko sa kanya at lumayo ng bahagya sa kanya

Napakamot naman ito sa aking sinabi at bahagyang na mula. Teka ? ang isang Legendary Vampire ay namumula ngayon sa aking harapan. Sa tingin ko ay nahihiya ito dahil sa aking sinabi.

Dapat ko bang bawiin ang ang winika ko kanina ?

Nakatitig lang ako sa kanya dahil sa naging reaksiyon nito.

Hindi ako makapaniwala dahil sa aking nakikita ngayon.

Unang beses kong makakita ng isang Legendary Vampire na nahihiya at namumula sa aking harapan. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya dahil sa palagay ko ay nagdadala ito ng pagka-ilang sa aming dalawa.

" Pasensya na " wika niya at bahagyang yumuko 

Napatango na lamang ako sa kanya upang maiwasan ang pagka-ilang namin sa isa't isa. Hay, ibang iba siya sa mga nakilala kung mga Legendary Vampire. Karamihan kasi sa mga bampira ay palaging seryoso pero siya hindi.

Kahit na ngayon ko pa lamang siya nakilala ay marami na rin akong narinig sa kanya. Maraming nagsasabi sa loob ng Vampire Academy na siya raw napakatahimmik at seryoso sa lahat ng Legendary Vampires.

Kaya naman walang masyadong lumalapit sa kanya at kaya naman laking gulat ko na lang sa inasta niya kanina.

Ngayon ko lang napagtanto na pinapakita niya lang sa mga nakapaligid nito na seryoso siya ngunit sa kabila nito ay may malambot itong puso. Kagaya ng ipinakita niya sa akin kanina kung paano siya mag-alala.

Isang ngiti naman ang gumuhit sa aking labi ng maalala iyon.



'Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan? May dumi ba sa mukha ko?"

"Hmm wala naman po Master. paumanhin po." napakamot na lang ako sa batok.


Ganun ko na ba siya katagal natititigan?

Nakakahiya pala. 

"Gabe"

Napalingon ako sa kay Yuan dahil sa tawag niya.

" Sa susunod huwag nang pdalos dalos sapag sugod sa gitna ng laban."

" Pinag-alala mo ako."


Wika niya sa akin. Nakatitig lamang siya sa akin puno ng pag-alala ang kanyang mga mata.

Bakit?

Bakit siya ganyan sa akin.


Ayokong pangunahan ang aking nararamdam ngunit. Hindi ako handa sa maaaring kahinatnan ng nararamdam ko. Ayokong konklusyunan. Dahil sa mga bagay na pumigil sa akin. Parang sasabog dahil sa bilis ng tibok ng puso.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya.


"Huwag po kayong mag-alala tungkulin ko bilang isang knight ang lumaban sa mga insane na iyon."

" Alam ko pero dapat ay mag-iingat ka."

Tumango ako bilang sagot sa kanya.


Natatakot ako sa sarili ko sa nararamdaman ko para sa kanya.

______________________________________________

A/N: EDITED PO :))

-CRAYISTEN

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon