***
GABE POV
" A-ayos lang ako. " sagot ko at lumayo sa kanya. Bumitaw naman siya sapagkaka-alalay sa akin.
" Bakit mo ako sinundan? " namula naman ako dahil sa sinabi niya.
Mali ba ang sinundan ko siya? Eh Master ko kaya siya. Tss..
" Hindi ka sana napahamak kung hindi ka sumunod. "
galit ba siya?
So kasalanan ko pa pala.!' Dapat pala pinabayaan ko na lang siya. Arggggh." pasensya na kung sumunod ako. Huwag kang mag- alala hindi na iyon mauulit pa." Diretso kung sabi at tumalikod na sa kanya.
Ako pa talaga ang mali. Tsk.
Naglakad na ako pabalik ng room. bahala na siya doon. Pasalamat nga siya at may natitira pang concern ako sa kanya. Pero sa kasamaang palad hindi niya ata na a-apreciate iyon. Di bale na lang.
" Gabe saan ka galing? " tanong niya ng magkasalubong kami.
" Diyan lang sa labas na bored kasi ako." Pangangatwiran ko.
" Weeh? Di nga? "
Pinaningkitan ko lang siya ng mata. Isa pa itong si Pier. Ang kulit.
" Ah. Nga pala nakita mo si-"
" Hindi ako taga lost and found para tanungan ng mga nawawala." irap ko at napa upo na lang. Napakamot na lang siya at lumabas ng room.
Kasalanan toh nang magaling mong kaibigan. Psh.'
" Oh? Anong mukha na naman iyan Gabe? " si Kysler umupo sa may harapan. Vacant kasi iyon.
Napabuntong hininga na lang ako. At umiling sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya?
" Problema mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin ng deritso.
" Wala" tipid kung ngiting sagot sa kanya.
Tinapik niya lang ako sa braso at tumayo na rin. At heto mag isa na naman ako. Hindi ko na lang sasabihin mamaya na lang.
Nasaan kaya ang isang iyon?
nag-aalala lang naman ako sa kanya kaya ko siya sinundan.
...
Yuan POV
Hindi ko naman gustong bigyang walang importansya ang pagsunod niya sa akin. Alam ko ginawa niya lang iyon dahil knight ko siya at responsibilidad niya ako.
Pero kasi nag- alala lang ako. nakakaba at nakakatakot. Hindi ko lang alam ang gagawin kapag napahamak talaga siya kanina nang dahil sa akin.
Tanga ko kasi eh. Pwede naman sabihin ng maayos. Tss. Ayun galit na naman sa akin.'..
Napabuntong hininga na lang ako. Di bale na lang. Ang mahalaga ay ligtas siya iyon ang importante.
"Hooooy! Yuaaan Yohoooo? Hello?"
Nandito na naman ang isang toh. Si Pier.
" Oh bakit? "
" Anong oh bakit? kanina pa kaya kita tinatawag kung hindi ako lumapit baka hindi mo pa ako mapansin. Tsk!"
" May iniisip lang ako." Nakita ko naman ang ngisi niyang nakakaloko.
" Huwag mong sabihin pinag-iisipan mo ng kalas-" sinamaan ko lang siya ng tingin.
Anong bang nakain nito? Ang sarap niyang ipabalik sa VA.
" Hehe sorry na po. Pero di nga ano bang iniisip mo parang mas malalim pa sa karagatan?" pangungulit niya a akin.
" Wala."
" Anong wala? Sabi mo meron? Ang gulo mo parang si Gabe kanina ang sungit talaga."
Galit iyon dahil sa akin.
Hindi maalis sa isip ko ng naganap kanina. May nagmamatyag sa amin at nasa paligid lamang ito. Natitiyak kung may kung anong binabalak ito at iyon ang dapat naming alamin.
" May iba pa bang bampira bukod sa atin at ng mga Knights? " tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kabuoan ng paaralan.
" Bakit may nakapasok ba?" Balik niyang tanong. Nakita kung napaseryoso siya.
" Hindi ko alam. Kanina ay may naramdaman akong kakaibang enerhiya kaya sinundan ko ito. Muntik ng mapahamak si Gabe dahil doon." sabi ko at napayukom na lang ang kamay.
" Dapat pala ay pagtuonan natin ng pansin ang pagbabantay sa mga taong nakapaligid sa atin. " wika ni Pin na parang malalim din ang iniisip.
" Tama. Hindi natin alam baka nandiyan lang sila sa paligid Nakakasalamuha natin." Pagsang-ayon ko sa kanya. Kailangan naming maging mas alisto sa bawat kilos baka kami ang maunahan ng kalaban.
" sinabi mo na ba sa mga Knights? "
" Hindi pa baka si Gabe na rin ang magsabi."
Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya. Paano ba ako makakabawi sa kanya?
" Pin" tawag ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin.
" Oh bakit?"
NAgdadalawang isip pa ako kung magtatanong ako sa kanya. Sige na nga bahala na baka makatulong rin siya.
"Paano pa bumawi sa isang babae?"
Halata sa mukha nit ang gulat per agad rin naman iyon nagbago at napangisi sa akin. Loko-loko talaga ang isang toh.'
" magkagalit na naman kayo? Ah kaya pala ang sungit kanina. Grabe talaga yung babae mo Yuan. Tsk."
Sabi ko nga wala siyang silbi.
" Alam mo isa lang ang paraan para bumawi sa isang babae. Simple lang. "
" At ano naman iyon?" tanong ko
" Akong bahala chill ka lang." sabi niya at napangisi.
Sana nga lang at gumana.
***
A/N: SORRY FOR THE VERY VERY VERY LATE UPDATE.
IPAGPAPATULOY KO NA PO ANG STORY I HOPE MAGUSTUHAN NIYO PO :))
- C R A Y I S T E N
BINABASA MO ANG
VAMPIRE KNIGHT: The Blood Moon
VampirePuno ng katanungan ang buhay ng isang tao. Hindi mo malaman kung lahat ba na nasa iyong paligid ay totoo o pawang kasinungalingan. Maaaring isang panaginip lang ang lahat at sa isang iglap ikaw ay magising sa realidad.