CHAPTER 16

105 3 0
                                    

A/N: UPDATED!

••• 

Someone's POV

 " Anong nangyari kanina ? " tanong ng isa sa mga punong bampira. Nasa loob sila ngayon ng isang silid kung naroroon lahat ng kasapi ng Vaampire Academy.

" Paanong narating nila angg akademya ? " tanong ulit ng isang punong bampira.

Nanatiling tahimik naman ang silid. Walang sumagot sa umanoy tanong ng mga punong bampira kaya naman ay nagpatawag ng isang pagppupulong ang mga punong bampira sa mga Legendary Vampires at Vampires Knight.

Gusto ng mga nakakataas na bampira na imbestigahan ang nangyaring insedente kanina ang pag sakop ng mga insane sa akademya. 

Dumaan kasi ang maraming buwan at taon ay hindi naman sila inaatake ng mga insane ngayon na lamang ulit. Kayaa naman hindi sila mapakali dahil baka kung ano ang plano ng mga insane sa pagtangkang pumasok sa akademya.

" Kung gayon ay ipatawag ang lahat ng Legendary Vampires at ang kanilang mga Knights " Wika ng nakakatandang bampira.

Agad namang kumilos ang mga bantay na nasa gilid lamang at lumabas sa silid upang ipahayag ang utos ng nakatataas na bampira.

_____________________________________________________

Sa kabilang banda naman ng kabilang silid ng akademya ay nandoon ang mga ibang kasapi ng bumubuo ng Unang pangkat ng Vampire Knights. Nandoon din sa silid na iyon ang dalawa pang kapatid ni Gabe sina Gale at Gace. Si Gane ang kapatid ni Gabe ang pinuno nila. Ang nakatatas sa Unang Pangkat.

Sila rin ay mga Vampire Knights ng mga legendary at isa rin sa mga makapangyarihan na Knights kagaya rin ni Gabe.

Ang pangalawang pangkat naman ay ang kina Gabe. Sila ang mga sumusunod sa na unang pangkat. Ang Unang pangkat ng mga Vampire Knights ay mga legendary at makapangyarihan. Sila ang pumalit sa pagiging Knight sa mga Legendary Vamps.

" Paano nangyari iyon ? " tanong Gale sa  kasamahan nito 

Ngayon lamang nalaman ni Gale ang mga pangyayari kanina dahil mayroon pa siyang tinapos na misyon. Kanina pa ito tuliro at pa ikot ikot dahil sa pag-iisip sa mga nangyari.

Si Gale ang gumaganap na pinuno ng Unang pangkat habang wala pa si Gane dahil sa inatasang misyon sa kanya.

" Hindi rin namin alam Gale. Bigla na lamang dumating at sinalakay ang akademya ng mga insane kanina. " sagoot isa sa mga kasamahan niya na lalaki na nag ngangalang Zeyk. 

Si Zeyk ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Gale at ito rin ay isa sa kanyang pinagkakatiwalaan. Isa rin itong Vampire Knight  at mayroong angking galing sa pakikipaglaban. 

" Sino ang mga lumaban sa kanila kanina Zeyk ? "

Tanong ni Gale sa kanya at saka napa upo.

Napabuntong hininga naman si Zeyk bago sumagot tila nagdadalawang isip sa kanyang isasagot sa tanong ni Gale sa kanya. May kapangyarihan itong pa magbukas ng portal papunta  sa ibang dimensyon o ibang mundo.

" Si Gabe at ang iba pang Pangalawang pangkat ng Vampire Knights " sagot nito

" ANO! ? bakit niyo naman hinayaan ang mga Pangalawang pangkat ng Vampire Knights ang lumaban ? " Nkakunot noong nitong tanong sa kanya

Nakuha naman ang atensyon ng lahat ng unang pangkat ng Vampire knights sa loob ng silid at nagsilapitan ang mga ito sa mesa.

" Sila ang naatasang magbantay ng mga oras na iyon Gale kaya naman sila na rin ang humarap sa mga insane. " isang babae naman ang sumagot ngayon si Ayella 

Si Ayella siya ang nag-iisang babaeng membro ng pangkat ni Gane. May kapangyarihan itong gawing bato ang lahat na kanyang makita.

" Kapatid wala ka bang tiwala kina Gabe alam mo na mang kayang kaya na nito ang sarili niya " wika ni Gace sa kanya 

" Paano na lamang kung- " hindi na naituloy ni Gale ang sasabihin dahil agad namang nagsalita si Gace

" Kilala mo Gabe at ang mga kasamahan niya. Marunong silang makipaglaban at hasa na ang mga ito " wika ulit nito sa kanyang kapatid.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Gale sa dahil sa sinabi sa kanya. 

" Paano na lamang kung hindi nila ito nakayanan. Maaari silang mamatay ng wala oras ". Isip ni Gale sa kung hindi kadahilanan ay baka hindi niya mapatawad ang sarili pagnagkataon iyon

 " Huwag na nating isipin iyan. Wala namang nangyaring masama sa pangawalang pangkat hindi ba ? Ang mas pagtuunan natin ay ang paglutas sa gulong ito at maghanda sa pwedeng magawa pa ng mga insane. " makahulugang wika ni Jethan 

Natahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ni Jethan tila na tauhan ang mga ito.

Si Jethan ay ang taga plano ng kanilang mga gagawin. Isa siyang henyo sa Unang pangkat. Hindi ito ganoon kalakas ngunit ang utak naman nito ay madalubhasa. May kakayahan rin itong manlinlang gamit ang mga mahika niya mapatao man o bampira. Kaya niya itong utusan at mapasunod sa kahit anong iutos nito.

" Tama ka Jethan. Sa ngayon mas doblehan natin ang pagbabantay sa akademya at huwag rin natin kalimutan ang ating mga Master. Kailangan nating mas maging alerto sa lahat ng bagay at oras. Maliwanag ba ? "

" Oo. " sabay sabay na sagot nila

Tok

Tok

Tok

Isang katok ang kanilang narinig kaya naman lumapit ang Ayella sa pinto at tiningnan kung sino ang kumatok.

" Pasensya na po sa abala ngunit kayo po ay pinapatawag ng mga nakatataas ng bampira " wika ng isang kawal at yumuko

Tumango naman si Ayella bilang sagot at humarap sa kanyang mga kasamahan.

" Pinapatawag tayo ' sabi niya sa kanila.

" Tara na " pinal na sabi ni Gale at sumunod naman sa kanya ang mga ito. At ang lahat ay nagsilabasan na papunta sa pagpupulong.

•••

Sorry po kung matagal ang UD :)

Kamusta ang bakasyon ? HAHAHA XD

~Cejhy

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon