Heres the Update!
•••
Gabe POV
Pagkadating ko sa bahay ay nakita ko ang ang mga kapatid ko nanonod ng TV kaya agad akong tumabi sa kanila para sabihin sa kanila ang sinabi ni Lolo Harold.
" Nagkausap na ba kayo ni lolo? " tanong ni Kuya Gane sa akin eh ? iyon nga sana sasabihin ko eh
Siya si Kuya Gane siya ang nakakatanda sa aming apat na magkakapatid
Mabait
Gawapo
Matalino
Mapagmahal
Maalaga
Responsable sa lahat ng bagay
Kung sa babae siya na siguro ang man of their dreams nila. Ngunit siya namang pagkailap nito sa mga babae. Hahaha
" Oo kuya nagka usap na kami ni Lolo " sagot ko sa kanya
" Pumayag ka ba sa alok ni lolo harold? " tanong ni Kuya Gale sa akin
Siya ang pangalawa sa amin
Gwapo
Mabait
Matalino
Mapagmahal
Maalaga
Responsable
At higit sa lahat malakas ang self confidence nito pero hindi siya mayabang siguro konti? *sarcasm*
" Oo kuya pumayag na ako " sagot ko sa kanya
" Buti naman at na papayag ka niya " sabi naman ni Kuya Gace na umupo sa tapat na sofa sa amin.
Si kuya Gace siya ang ikatlo sa amin
Gwapo
Mabait
Matalino
Mapagmahal
Maalaga
Responsable din gaya ng iba kung kuya at siya ang pinakatahimik sa aming apat.
Actually magkapareho lang silang tatlo ng ugali pero ang higit sa lahat ay lagi kaming nagkakasundo.
Simula noong namatay sila mama sila na ang nag alaga sa akin kasama doon si Lolo. Sa totoo lang Hindi pa patay ang aming magulang ngunit tinuturing na namin silang patay dahil bigla na lang silang naglaho na parang bula. Hindi na rin namin sila hinanap dahil iyon ang utos ni Lolo sa amin na huwag itong hanapin. Pagkatapos namin mag-uasap ay kumain na kami for dinner. Nagkwentuhan kami habang kumakain nila kuya puro mga kulitan lang.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Pagtingin ko ng relo ko 9:00 pm na pala. Haaay kapagod. Pagkapasok ko ay agad akong humiga sa kama at ipinkit ang aking mga mata. Inaantok na ako.
"GABE"
isang boses ng lalake ang aking narinig......
Napakapamilyar parang ilang beses ko na ring narinig ang tinig na iyon. Siya nga kaya iyon?
"Yuan"
Sambit ko sa pangalan niya. Kung siya iyon ay tutugon siya pagkasabi ko nun. Pero wala akong narinig. Hindi siya iyon pagtatama ko sa aking isipan. Napabalikwas ako sa kama ko ng may malamig na hangin akong naramdam...
Pumunta ako samay terrace at binuksan sliding door. Pagkasbukas ko nito ay dinama ko ang malamig na hangin......
At tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha.
Naaalala ko na naman siya..
Pilit ko mang alisin sa aking isipan na siya iyon ay hindi ko magawa. Pinikit ko na lang aking mga mata at nakita ko ang imahe ng mukha niya..
"Yuan"
Muli kung sambit sa pangalan niya..
Pagka sambit ko ng pangalan niya may naramdaman akong humalik sa pisnge ko.. Hindi ko ito nakita dahil nakapikit ako,, pero sigurado ako na siya yun...
Nandito siya.'
"Yuan"
Huling kung sambit sa pangalan niya at tuluyun ng isinarado ang bintana. Agad na akong humiga at inalala at kanina. Napahaplos ako sa aking pisnge, dinadama ang sariwang halik kanina.
Hindi ako nagkakamaling siya iyon. *sigh*
Pilit kong inaalis sa aking isipin ang mga nangyari at natulog na.
SomeOnes's POV
Nakatayo sa itaas ng puno kung saan dinadama ng malamig na hangin.
Iniisip ko na naman siya.'
"Gabe "
Sambit ko sa pangalan niya...
Pumikit ako at hinanap kung nasaan ang presensiya niya. Nakahiga siya ngayon sa kanyang kama. Agad akong umalis at pinuntahan siya.
Pagkadating ko isang malamig na hangin ang dumaan. Umakyat ako sa puno upang makita ko siya. Nakita ko siyang binubuksan ang sliding door at lumabas sa terrace nila. Nakapikit ito at dinadama ang malamig na hangin..
Napakaganda niya talaga. Walang kupas gandang taglay mo Gabe.'
Habang naka pikit siya ay hindi niya namalayang naka akyat ako sa terace nila at hinalikan ko itong mabilis sa pisnge. agad naman akong umalis doon.
Hindi pa ako handa Gabe at alam kung ganoon ka rin.'
Narinig kung sinambit niya ang pangalan ko. Napakasarap sa tainga. Labis na tuwa ang aking nadarama sa mga sandaling iyon. Ang sarap pakinggan lalo na't nanggaling ito sa kanya. Naalala niya parin pala ako.
Gustuhin ko man siyang yakapin ng mahigpit ay hindi ko kaya may kung anong pumipigil sa akin. At natatakot ako para sa kanya.
Ayaw ko na siyang madamay.
Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon dahil ikamamatay ko. Sumilyap ako ng isang beses sa kanyang binta at tuluyan na akong umalis....
"Gabe"
Huling sambit ko sa kanyang pangalan.
Alam ko muli tayong magkikita.'
Gabrielle Angelica Beatrice Elvarez
•••
A/N: Salamat po sa pagbabasa! Kung mayroon man. XD
-C R A Y I S T E N

BINABASA MO ANG
VAMPIRE KNIGHT: The Blood Moon
VampirePuno ng katanungan ang buhay ng isang tao. Hindi mo malaman kung lahat ba na nasa iyong paligid ay totoo o pawang kasinungalingan. Maaaring isang panaginip lang ang lahat at sa isang iglap ikaw ay magising sa realidad.