•••Yuan POV
Tsss. kanina pa ako dito nakatayo nakatingin lang sa kanya kanino pa edi kay Gabe wala ng iba. Kaya lang naman ako nagpunta dito sa pagpupulong na ito ay para makita siyang muli. Nakita ko nga siya ngunit ang lamig ng pakikitungo nito sa akin. Haaaay.'
Ano ba gagawin ko sayo Gabe?
Pagkatapos dumating ang kuya niya ay umalis na ako. Sa tingin ko ay hindi siya komportable na kausap ako naiilang siguro siya dahil sa paraan ng aking pagtitig sa kanya.
Paano ba naman sa tuwing tinatawag ko siya wala, na pe-pepe na ako nakakalimutan ko ang sasabihin ko sa kanya. Tila nawawala ako sa katinuan at siya nalang ang iniisip ko.
Sana naman makausap ko siya ng sarilinan. Kagaya ng nakita ko siya sa puno ngunit ang bilis lang ng oras na iyon. Gusto kung bumalik na siya sa akin. Ang babaeng tanging dahilan ko lang kung bakit ba ako nabubuhay ngayon.
Ang tanging gusto ko lang ngayon ay mapasaakin siya muli at sisiguraduhin kung sapag kakataon na mapasa akin siya ay hindi ko na ito papakawalan. Hinding hindi na.'
Tumingin ulit ako sa direksiyon kung na saan nandoon siya. Kausap niya ngayon ang kanyang mga nakakatanda kapatid at mukhang masaya ito dahil sa nakangiti nitong mga labi.
Naalala ko pa noon ng una pa kami nagkita hindi siya palangiti at parang galit sa mundo. Hindi rin ito nakikipag-usap sa iba, sa mga nakakatandang kapatid niya lang ito nakikipag-usap. Kaya naman wala nag aatubiling lapitan iito.
Siya kasi ang pinaka malakas na Vampire Knight sa kanilang walo siya ang Rank 1. Marami din ang natatakot sa kanya dahil sa napakalamig na mga titiig nito kaya naman ganun na lamang ang ilang nito sa ibang bampira at tao na rin.
Palagi lang itong nakatingin sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip nito. Tinanong ko naman si Gane na aking Knight dati na isa sa mga kuya niya kung bakit siya ganyan. Sinabi naman sa akin ni Gane kung bakit kaya naman hiniling ko sa kanya na maging Knight ko siya sabi niya ay pag-iisipan pa daw nila magkakapatid sumang ayon naman ako sa sinabi niya.
Dahil sa aking kuryusidad kaya ko iyon napag pasyahan. Gusto ko siyang maging Knight dahil na rin sa ito ang Rank 1 pati na rin sa aking kuryosidad na makikilala pa itong mabuti.
Parang may kung ano ang nag-uudyok sa akin na mas makilala pa siya.'
Nahihibang na ba ako ? Iyan ang plagi kong tinatanong sa sarili ko. Hindi ko din alam kung bakit ganun nalaman ang aking pagka interes sa babae. Tila isang mahika ang ginawa niya upang magka ganito ako sa kanya. Mailap ako sa mga babaeng aking nakakasalamuha kaya naman isang pagtataka sa akin kung bakit ako nagkainteres sa kanya.
Baliw na ata ako sa kanya.'
Umiling ako at napa isip hindi pala " Baliw na baliw "
Doon sa puno kung saan kami nagkita ang una din naming pagkikita.
Si Gane kasi ang Knight ko noon kaya naman marami na rin akong nalalaman tungkol sa kanya dahil sa nagkwekwento ito sa akin. Hanggang sa dumating ang araw na nakita ko siya sa may puno naka upo lang ito doon ko siya unang nakausap.
Ang punong iyon kasi ang tambayan ko kung saan lang ako nakakapag-isip ng matino.
* Flashback *
Kakagaling ko lang sa aking pag-eensayo ng mapagdesisyonan kung pumunta sa aking pahingahan sa lugar kung saan lang ako nakakapag-isip at nagiging mahinahon.
Pagkadating ko doon ay agad akong napa upo sa tabi ng puno. Inihilig ko ang aking ulo saka dahilanan narin siguro sa pagod ay naisipan kung umidlip lang muna.
Blag!
Nagising na lang ako dahil sa ingay na iyon at hinanap kung saan iyon nang gagaling. Napatayo na lamang ako ng may makita akong babaeng may mantsa ng dugo sa kanyang damit. Sa harap nito ay may patay na bampira na bukas ang bibig nito na may mga pangil. Wala na itong buhay.
Iwinaksi ng babae ang kanyang sandata sa nakahandusay na bampira at umagos doon ang dugo nito. Napatiitig ako sa babae lalo na sa kanyang mata kulay pula kasi ito at may krus na guhit sa kanyang mata. Nagtaka naman ako dahil doon.
Nakabalot ito ng itim kaya naman hindi ko ito masyadong nakilala.
Pumikit na lamang ako at bumuntng hininga. Ngunit pagkadilat ko sa aking mata ay nagulat na lamang ako at nasa harapan ko na siya nakatutok ang kanyang sandata sa akin sa may banda sa aking leeg.
Ang kanyang mata ay nag uumapaw sa dilim at sa isang iglap ay bigla itong nagkulay pula at mas itinutok ang sandata sa akin.
Hindi ako makapagsalita hindi magawang kumilos at lumaban.Dahil sa nakaharap ito sa akin ay nakilala ko ang babae. Siya pala iyon sa wakas at nakaharap rin kita. Ito na siguro ang hindi ko makakalimutang araw ang makita.
" Sino ka ? " tanong nito sa akin
Napaka lamig ng kanyang boses tila ito'y nababalot ng sakit, pagkamuhi, at lungkot lalo na ang kanyang mga mata..
Sana mapawi ko man lang ang iyon kahit konti Gabe.'
Siya Gabe..
Itutuloy....
•••
A/N: Sorry sa mga typos.Pasensya na po. :)
xoxo❤-C R A Y I S T E N
BINABASA MO ANG
VAMPIRE KNIGHT: The Blood Moon
VampirePuno ng katanungan ang buhay ng isang tao. Hindi mo malaman kung lahat ba na nasa iyong paligid ay totoo o pawang kasinungalingan. Maaaring isang panaginip lang ang lahat at sa isang iglap ikaw ay magising sa realidad.