•••
Yuan POV
Maaga akong nagising. Hindi naman kasi sanay matulog ang mga bampira kung kinakailangan lang talaga. bumaba na ako at nadatnan ko si Lolo Harold naghahanda ng makakain at lumapit sa kaniya. Napansin naman niya ako at agad na inaya.
" Yuan halika at tulungan mo akong magluto. "
" Sige po."
Kumuha ko ng kutsilyo at naghiwa nga mga gulay na lulutuin ni Lolo Harold. Hobby niya talaga ang pagluluto.
" Hindi pa gising si Pin at Gabe? "
" Hindi pa po siguro si Pin antukin talaga iyon. " wika at tuloy lang sa aking gingawa.
" eh si Gabe? "
" Po? "
Nalito naman ako sa pahayag ni Lolo ano raw si Gabe?
" Hahaha ang sabi ko eh si Gabe bakit hindi pa gising."
Ahhh. Yun pala.
" Hindi ko po alam lolo baka kako tulog pa. "
"Ganun naman talaga siya di ba? " mkhulugang wika ni Lolo sa akin.
Bugnotin kasi din iyon bumangon.' Naalala ko pa dati mas nauuna pa ako sa kanya gumising eh sa ako naman ang Master.'
" Oo nga po na aalala ko po. " sabi ko kay lolo
" Hindi pa rin ba kayo nakakapagusap Yuan?"
Natahimik ako dahil sa sinabi ni lolo. Tama siya ni wal pa kaming matinong pag-uusap mula ng balik siya. Paano ko ba sisimulan?
"Haay kayo talagang mga bata magkasama na nga kayo sa iisang bahay hindi pa rin nakakapag-usap? Ano iyon? May LQ pa rin? Hahaha."
Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Lolo Harold napakamabiro talaga. Tinapik naman niya ang braso bago magsalita muli.
" Tandaan mo Yuan may tamang oras para sa lahat ng bagay maliban na lamang kung ikaw mismo ang gagawa sa oras na maging tama."
Pero paano kung ang mga oras na iyon ay maraming hadlang. Katulad ng dati?
" Oh siya ikaw muna dito at papanikin ko iyong dalawa mukhang di papapigil sa pagtulog Haha."
Tumango lang ako kay Lolo bilang sagot at umalis na siya.
Hindi ko alam kung anong magagawa ko upang magkaayos kami. may tamang panahon para sa lahat at ang kaya mulang gawin ay maghintay ng tsempo.
Pinagpatuloy ko ang pagluluto ni Lolo. Maalam naman ako sa mga niluto ni Lolo harold sinunod ko lang kung ano ang nasa recipe.
" Magandang Umaga Yuan. Hmmm mukhang masarap iyan ha. Patikim." Si Pin
" Tch. Mamaya na sabay sabay na tayo maligo kana muna doon."
" sungit mo naman. Ke aga aga eh. Maliligo na muna ako. Ciao~"
Kahit huwag na. Tss.'
Umalis na si Pin at siya.namang pagdating ni Lolo na may dalang uniform.
" Yuan ito na ang mga uniform niyo. Nasaan na si Pin hindi pa ba bumababa?"
" Naliligi na po siya. " sagot ko
" Umakyat kana at maligo ng makakain na tayo. Naghahanda na rin si Gabe. Kunin mo ito."
Kinuha ko ang mga uniform at umakyat na. Inilagay ko muna ang kay Pin sa kwarto niya bukas ito kaya pumasok na ako at ibiwan ang damit niya. Nagtungo narin ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ay bumaba na nandoon na rin pala si Pin.
BINABASA MO ANG
VAMPIRE KNIGHT: The Blood Moon
VampirePuno ng katanungan ang buhay ng isang tao. Hindi mo malaman kung lahat ba na nasa iyong paligid ay totoo o pawang kasinungalingan. Maaaring isang panaginip lang ang lahat at sa isang iglap ikaw ay magising sa realidad.