•••
Limang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang digmaang naganap na dulot ay ang pagkawala ng maraming inosenteng tao. Isang kagimbal gimbal napangyayari. Ngunit lahat ng iyon ay isang na lamang alaala kung saan mananatili at hindi malilimot. Sa mahabang panahon na iyon akoy nagbabalik.
Ako si Gabrielle Angelica Beatrice Elvarez anak ng isa sa pinaka mayamang pamilya dito sa Pilipinas. Kilala ang angkan namin dahil sa ibat ibang negosyong mayroon kami dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ang tawag ng nakaka rami sa akin ay Gabe may tatlo akong nakatatandang kapatid na lalaki at nag aaral ako sa Crone University isa din ako sa mga top student doon. Ang Crone University (CU) ay isang private school kung saan piling mga mayayaman ang nag-aaral doon. Mga anak ng mga tanyag na tao bansa. Walang kahit na isa ang makikita mong walang may kaya dahil iyon ay patakaran.
Ngunit nabago lang iyon ng may bago nang namamahala. Maaari nang pumasok ang kahit na sino dahil sa bagong batas na kanilang itinalaga. Isa din ang aking pamilya na mayroong pinakamalaking share sa school. Kaya naman isa rin kami sa namamahala.
Mayroon din kaming paaralan na exclusive lamang para sa mga
Bampira
Oo tama. Ang pamilya namin ay tinatawag na Vampire Knight binabantayan namin ang mga bampira na nag-aaral sa VA o Vampire Academy isa yung tagong paaralan kung saan ang mga konektado lang sa aming pamilya ang nakaka alam...
At isa rin akong.....
Vampire Knight
Kaya lang itinigil ko na ang pagiging Knight mula noong may mangyaring di inaasahan limang taon na ang nakakalipas. At napagpasyahan na umalis papuntang Amerika doon kami namalagi ng ilang taon. Mag-iisang buwan na rin mula ng bumalik kami dito sa Pilipinas at ngayon ay babalik na ako sa Crone University.
Mayroon akong mga kasama na mga Vampire Knights nag-aaral din sila sa CU. Walo kaming lahat na mga Vampire Knight. Lahat kami ay may gamit na sandata. Ang akin ay espada na naka palibot sakin curved ang dulo niya.
( parang kay soul eater/Grim reaper )
Simula pa nung mga bata pa kami ay tinuruan na kami na matutung gumamit ng ibat ibang sandata at mayroon din kaming mga natatanging kapangyarihan. At baway isa sa amin ay may kinikilalang Master.
•••
Nandito ako ngayon sa bahay ng aking lolo dahil pinatawag niya ako kanina at mayroon daw siyang mahalagang sasabibin.
Pwede naman kasing sila kuya nalang ang pumunta dito bakit ako pa. Haaay...
Ako kasi paborito nun kaya parating ako nalang. Siya kasi ang nag-alaga sa aming magkakapatid kaya close talaga kami. At namiss ko siya ng sobra hindi kasi siya sumama sa America pero binibisita naman niya kami doon.
" Apo! Gabe kamusta ? " bati sa akin ni lolo. Lumapit naman ako ako sakanya at nagmano. Alam niyo bang magalang lang ako pag nandiyan siya?
" ayos lang naman po Lo" sabi ko sa kanya at umupo sa tabi nito
" Mabuti naman apo. nga pala apo may pag uusapan pa tayo " sabi ni lolo at umupo sa tabi ko. Anu na naman kaya to. Isang pabor na naman ba ?
" sige Lo, anu po ba iyon ? " tanong ko kay lolo. Kaya napatingin naman ako ng sryoso sa kanya. kung pabor lang naman ay ayos lang basta huwag lang ang --
" Apo, bumalik kana sa pagiging Vampire Knight. " sabi ni lolo. Sinasabi ko na nga ba. Sa lahat ba naman ng hihingin niyng pabor? Tsk. Ang lakas talaga maka demand ni Lolo.
Pero ayoko.
-__________________-
Tsh. Kahit ano na lang basta huwag na iyon graduate na ako dun eh. Nakita ko naman ang pagka dismaya ni lolo. eh ? ayoko namang ma disappoint sa akin si lolo pero kasi hindi na ako babalik.
at bakit ako babalik ?
" Apo.. " paki usap sa akin ni lolo.
Sigh' No choice but to obey him. Ano pa bang magagawa ko. Matatanggihan ko ba siya. Kahit na labag ito saloob ko.
" Sige po Lo " pagkasabi ko nun ay ngumiti na si Lolo.
" Salamat apo sa pag iintindi mo " tumango naman ako bilang sagot ko kay lolo
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay tuluyan na akong umalis sa bahay ni lolo at umuwi na ako sa amin. Pag dating ko sa bahay nakita ko sila kuya naka upo lang sa living room habang nanonod ng tv.
Hinihintay siguro nila ako'.
Actually dati kong school ang CU kaya lang pumunta kami sa ibang bansa dahil sa trahedyang nangyari noon..
Ang mga bampira kasi noon at mga tao ay hindi pa magkasundo..
Ngunit hanggang ngayon ay meron paring mga alitan ang na namumuo sa pagitan ng mga bampira at mga tao. Dahil hindi nila tanggap ang mga bampira sa mundo ng mga tao dito sa lupa.
Dahil na rin sa uhaw ang mga bampira sa DUGO ng mga tao..
Ilang dekada na ring ang lumipas noon ay nag laban Laban ang mga ito. Lahat ng tao ay kina susuklaman ang mga bampira dahil inu-ubos nila ang mga ito. Sa isang labanan ilangtaon na ang nakalipas ay nasangkot ang aming pamilya. Sa labanang iyon ay marami ang nasawi sa aming pamilya at maraming mga sibillyan ang nadamay. Sabi nila dati daw. kasi ay magkasundo naman talaga ang mga tao at bampira nabubuhay sila ng mapayapa dahil ang aking Lolo na isang tao normal lamang ay nagmahal ng bampira kaya naman nawala ang alitan sa dalawa. At dumaan ang maraming taon ay nagkasundo na ang lahat.
Umibig kasi siya ng isang pure vampire dahil sa pagmamahalan nila ay walang ng gulo ang namuo sa mga bampira at mga tao. Kaya naman ipinatayo nila ang VA o Vampire Academy
Meron akong dugong bampira pero hindi ako isang pure vampire at hindi rin ako isang dampir.
Anak ako ng isang pure human at ang dugong bampirang dumadaloy sa katawan ko ay siyang dahilan kung bakit ako na bubuhay.
Ang pagkataong hindi ko pa lubos kilala.'
•••
A/N: EDITED PO :)
-C R A Y I S T E N
BINABASA MO ANG
VAMPIRE KNIGHT: The Blood Moon
VampirePuno ng katanungan ang buhay ng isang tao. Hindi mo malaman kung lahat ba na nasa iyong paligid ay totoo o pawang kasinungalingan. Maaaring isang panaginip lang ang lahat at sa isang iglap ikaw ay magising sa realidad.