CHAPTER 17

103 6 0
                                    

A/N: UPDATED!

•••

Yuan POV

Nandito pa kami ngayon sa silid ko kung saan kasama ko si Gabe. na ngayon ay natutulog sa kama ko. Ipinagpahinga ko muna siya dahil dala na rin sa pagod sa pakikipaglaban niya kanina. Mukhang hindi ito inaasahan na lumusub ang mga insane. Hindi talaga sila mapipigilan sa paglaganap dapat ay maaksiyonan na ito upang hindi lumala.

Nang sinabihan ko na siya ay magpahinga ay tumutol ito ngunit ginamit ko ang aking pagiging Master niya bilang utos para sumunod siya at agad naman itong sumunod.

Napangiti na lang ako dahil sa nangyari kanina marahil ay nakita niya ang iba kung ugali nakakahiya sa kanya. Pero ayos lang dahil siya lang naman ang pinapakitaan ko ng ganoon ugali ko.

Kanina muntik ko nang makalimutan na sa isang bampira ay madali lang maghilom ang mga sugat. Hindi ko alam na nagiging makalimutin na pala ako.

Pero ewan ko ba pag siya ang kaharap ko ay hindi ko na Alam ang mga sinasabi ko at nakakalimutan ang mga bagay bagay. Dahil siya lang ang nasaisip ko pag magkaharap kami.

Nang makita ko siyang duguan kanina ay bigla akong nabahala at lalo na nang makita kung may sugat ito.

Dapat ay mag-ingat ito sa pakikipaglaban dahil anumang oras ay pwede siyang mapahamak at hindi ko iyon makakaya.

Lumapit ako ng kaunti sa kama at pinagmasdan ang aking Gabe napakahimbing nito habang natutulog na tila isang anghel na bumaba sa lupa.

Hinawi ko ang kaunting buhok na humahapo sa mukha niya natatakpan kasi nito ang magandang mukha ni Gabe.

"  Hmmm" ungol nito at napaharap ng pwesto.

Ngayon ay mas kita ko ang kanyang maamong mukha.

Napakaganda niya talaga. Pinagmasdan kung mabuti ang kanyang mukha. Mula sa kanyang mapupungay na mata, matangos na ilong--

Nahagilap naman ng aking mata ang kanyang labi na tila tuyo't at nais ma basa. Napailing naman ako dahil sa aking iniisip. Parang kalapastanganan naman kung ibig ko siyang halikan ngayon. Ngunit parang nag-iimbita ang kanyang labi, nakakaakit.

Hindi pwede.'

Hindi ito maaari labag sa loob ko man ay inilapit ko ang akong mukha sa mukha niya. Talagang nakakasabik ang labi niya. At roon ay ini lebel ko ito sa kanyang labi.

Nang malapit ng magkalapat ang aming labi ay bigla nalang akong nagulat dahil nagmulat ito ng mata.


" Anong ginagawa mo!? " singhal niya sa akin.

puno ng galit ang kanyang mga mata at nanlilisik. Hindi ako mapakali. Isang pagkakamali ang pagsunod sa temptasyon aking nadama. Dapat ay pinigilan ko ang aking sarili. Nasaan na ang paggalang ko sa kanya?

Agad naman akong lumayo sa kanya at tinitigan ito. Puno ng pag -aalala ang mukha ko ngayon at na kokonsensya sa akong ginawa. Dapat ay hindi ko na iyon ginawa.

" Pasensya na hindi ko- " pag hingi ko ng paumannhin.

Ngunit ay pinutol agad niya iyon. Bakas sa mukha nito ang galit sa akin. Alam ko kinamumuhian na niya ako ngayon. Baka iniisip niya na isa akong bastos  dahil isang nakatataas na bampira ay umakto ng hindi sa naaayos.

Pangalawang pagtangka ko na iyong halikan siya. Kung noong una nagawa ko ngayon ay hindi at ang masakit pa doon ay galit ang aking anghel sa akin.

Dapat ko nang ihanda ang sarili ko dahil baka ay layuan ako nito ng lubusan.'

" Kung noong una ay wala akong sinabi sapag halik mo ngayon ay mayroon na. Isang walang paggalang sa isang babae ang paghalik ng walang permiso Master " makahulugang nitong sabi..

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. oo alam kunh mali ako ngunit mapapa saano mo ba kung ito ang nais ng aking puso.

Bumangon ito sa kama at tuluyan ng umalis sa aking silid. Napa buntong hininga na lamang ako nanatiling nakatyayo. Tinatanaw ang pintuan kung saan siya lumabas. Parang biglang nawalan ng enerhiya ang aking katawan dahil sa nangyari kanina. Nanlumo ako dahil sa lungkot. Galit siya.

" Patawad " iyon lang ang aking nasabi at napa buntong hininga.

______________________

Gabe POV

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Ewan ko ba naiinis ako. Naiinis ako sa kanya. Hindi ako galit sa kanya. ewan ko ba kung bakit ko iyon nasabi sa kanya.

Bigla nalang lumabas sa bibig ko iyon.

Pero tama naman ako diba ? Hindi ko akalain gagawin niya iyon. Ano ba itong nangyayari ?

Mukhang magkakalabuan pa ata kami nito. Nahihiya, iyon siguro ang nararamdaman ko ngayon. Nahihiya dahil isa lang akong knight at pinagsabihan ko pa siya ng ganun.

Sa tingin ko ay dapat akong humingi ako ng tawad sa kanya. Pagbalik ko na lang mamaya. Tama iyon nga ang nararapat kung gawin.

Nandito ako ngayon sa hallway ng akademya naglalakad dahil nga lumabas ako sa kanyang silid. Saan nga ba ako ngayon pupunta ?

" Gabe! " rinig kung sigaw ng kung sino sa likuran ko

Napatingin naman ako sa likuran ko para makita kung sino ang tumawag sa akin. Si Adam lang pala.

" Bakit ? " tanong ko sa kanya ng makalapit ito sa akin

" Pinapatawag ang lahat ng Knights at mga legendary vampires ng mga nakatataas na bampira " wika niya sa akin

Tumango lang ako sa kanya at sumunod na din sa kanya. Sa tingin ko ay pag- uusapan ang nangyari kaninang paglusob ng mga insane sa akademya. Hindi ko rin alam kung paano sila nakapasok basta nalang silang sumugod. Kami kasi ang nakahilirang magbantay kanina.
Sana matapos na ang gulo dulot ng mga insane.

Habang papunta na kami sa pagpupolong ay napaisip ako. Lahat ng legendary vampires ?

Ibig sabihin nan doon siya at makikita ko siya. Tsk.'

Itutuloy......

•••

Kamusta kayo ?
Pasensya na tinutopak ang author niyo XD

Need ko po mga feedbacks niyo (⌒▽⌒)xoxo♡

~Cejhy

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon