CHAPTER 9

211 8 1
                                    


•••

Gabe POV

Naiwan kami dito kasama ang mga Legendary Vampires. Sapag kakaalam ko ay hindi pa namin oras para bantayan sila dahil mamayang hating gabi pa magsisimula ang kanilang klase.

Tapos na ang pagpupulong subalit ano ito?'

Mayroong isang malaking mesa sa gitna ng pagpupulong kung saan nakaupo ang labindalawang Legendary Vampires at may roon ding mga bakanteng upuan sa harap nila na natitiyak kung para sa amin iyon.

" Gabe "  Tawag sa akin ni Neo isasa mga Legendary Vampires na ka close ko dati ng hindi pa ako umalis sa pagiging Knight.

" Oh ? " sagot ko sa kanya at lumapit naman siya sa akin

" Akala ko hindi kana babalik sa pagiging Knight  " sabi niya sa akin at tinapik ang balikat ko

" Akala ko nga rin eh." Sabi ko sa kanya at ngumiti ngpagak ngumiti din naman siya sa akin bilang tugon sa aking sinabi.

Tinawag niya si Faye na kanyang Knight kaya lumapit ito sa amin.

" Ano po iyon Master ? " tanong niya kay Neo tska yumuko bilang pag galang sa kanyang Master. Kaugalian na kasi sa amin iyon mga Knights.

" Halika kana " tanging sabi ni Neo, tumango at sumunod naman si Faye sa kanya. Bago umalis si Neo ay pinasadahan niya ako ng tingin at ngumiti.

Hindi ko alam kung para saan iyon pero natitiyak kung may kahulugan ang ngiting iyon. Ganyan naman si Neo dinadaan sa ngiti.

Napadako ang aking mata kay Adam na masuring tiningnan sina Neo at Faye. At natitiyak kung galit ito dahil nakayukom ang dalawang kamay niya na nagpipigil.

Napangiti naman ako ng palihim at lumapit sa kanya.

" Adam" tawag ko sa kanya lumingon natin ito sa aakin at napasinghap sa akin. Inilalabas ang kanyang pagkainis.

" Oh? Gabe " wika niya na walang emosyon.

Galit nga.'siya..

" Wala naman. " at tumingin sa kanya.

" Arrgh! Ang hirap naman kasi nito tsk. " naiinis niyang wika

" Ano ba ang mayroon kayo ni Faye?" deretso kung tanong. noon pa lang ay alam kung may pagtingin na siya kay Faye. Hindi niya sinasabi sa akin pero ramdam ko naman.

" Wala." Malumay niyang sagot at napayuko.

Wala naman pala pero bakit ganyan siya kung umasta. Tch.' Dapat alam niya kung saan siya lulugar.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pumasok ang limang kataas taasang bampira.

" Lahat ng Legendary Vampire Knights at mga Legendary Vampires ay masipag-upo na " sabay-sabay nilang sabi at nasigpa upo naman kaming lahat.

Nasa harapan namin ang mga Legendary Vampires habang ang mga ministro naman ay nasa dalawang gilid nito, dalawa sa isa at 3 naman sa isa. 

               • Legendary Vampires

------------------------
 

                                   
2 kataas                       •3 kataas
Taasang                        taasang
bampira                     bampira      
------------------------    


    •Legendary Vampire Knights

Bali ganyan ang arrangement namin. Yung 2 at 3 kataas taasang bampira ay nasa magkabilang dulo.Katabi ko naman si Kysler na ngayon ay nakikipagtitigan kay Yuan na nakatingin  din sa kanya. Teka ? Anong nangyayari  sa dalawang ito?

Tss.' Na inlove na ba sila sa isa't isa at ganyan sila makapagtitigan?

Nagtama naman ang paningin namin ni Yuan at dahil sa ayokong maramdaman muli iyon ay iniwas ko ang aking paningin at binaling sa iba.

Hindi ko alam pero hindi ako komportable sa mga titig niya sa akin. Parang matutunaw sa bawat pag titig niya. Hiling ko sana matapos na itong pagpupulong ayokong makita siya. Hindi ko naman siya maiwasan dahil nasa harapan ko lang ko siya at kapag napapatingin ako sa harap ay binibigyan ko lang siya ng isang malamig na titig.

Alam kong nahalata niya iyon pero subalit hindi pa rin siya tumitigil sakakatitig sa akin.

" Gabe "

Napakunot naman ang noo ko sapag banggit niya ng pangalan ko. Heto na naman siya kakausapin niya ako gamit ang isip niya. Kaya niyang gawin iyon dahil isa siya sa mga Legendary Vampires at kaya niya rin basahin ang laman ng isipan ko.

HIndi ako sumagot sa kanya kung ayokong makita siya ay ganoon rin mas ayokong kausapin dahil alam kung magmamakaawa na naman siyang bumalik ako.

Oo. Bumalik ako sapagiging Knight ngunit ayoko siyang maging Master. Ayokong mangyari na naman ang nangyari dati. Isang kalokohan ang aming relasyon dati at ayoko na iyong balikan pa!

At sa wakas!

Natapos ang pagpupulong ay wala akong naintindihan sa mga sinabi ng mga kataas-taasang bampira. Lutang ang isip dahil sa mga bagay bagay at sa kanya.

" Gabe "

Tawag niya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya at bago ako lumingo ay pinakalma ko ang sarili ko. Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya ng walng emosyon bago ako nagsalita.

" Bakit ? "

•••

 A/N: Pasensya na po kung matagal ang Update. Babawi po ako  =)

-C R A Y I S T E N

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon