CHAPTER 10

151 6 0
                                    

A/N: Okay! :D Sorry kung matagal ang update. Busy kasi sa school pati sa bahay. Naks mabait na bata Hahaha LOL. Pasensya na ulit. Babawi po ako. Lapit na Bakasyon! Yayks

Salamat sa mga nagbabasa nito :D

Sorry po sa mga errors ^^v
xoxo❤

•••

" Bakit ? "

Sagot ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin habang nakatayo.Wala ba siyang balak sumagot. ?

" Yuan ? "

Tawag ko sa kanya. Parang ang lalim kasi ng iniisip nito habang nakatitig lang sa akin. Ano na naman ba iyon..

Pinapakomplikado lang niya ang lahat  sa amin. sana pala ay hindi na ako bumalik pa.

Ang tagal naman niyang sumagot. inaaksaya niya lang ang oras ko. Kung may sasabihin man siya dapat ay sabihin na niya hindi iyong sinasayang lang niya ang oras. Tsk!

" Kung wala kang sasabihin ay aalis na ako. Paalam." 

Pagkasbi ko nun ay tumalikod na ako ako sa kanya at nag umpisang maglakad palayo. Pero bago paman ako makalayo sa kanya ay agad niyang hinigit ang kamay ko at pinaharap sa kanya. 

 " Gabe " sambit niya sa pangalan ko..

Tila isang napakagandang pangalang sambit niya. Napakaganda nitong pakinggan lalo't na sa kanya nang galing.

" Bakit ? May kailangan ka ba? " Tanong ko sa kanya ng walang emosyon.

Hindi ko pinahalata sa kanya na may epekto pa rin siya akin. Kahit pangalan ko na walang anu mang kahulugan ay tila nag-isang napakagandang pangalan at napuno ng kahulugan.

Nakahawak pa rin siya sa kamay ko at hinihigpitan ang pagkakahawak niya. Tsss, hindi naman ako tatakas. Ano ba kasi ang problema niya. Ba't niya pa ako tinawag kung hindi naman siya magsasalita. Haaay.'

" Gabe! " Narinig kung sigaw ni Kuya Gace sa akin kaya naman ay nabitawan niya ang kamay ko at lumingon naman ako kay Kuya na papalapit sa amin ni Yuan.

Mabuti na lang!..

Salamat naman at dumting si kuya kung hindi ay baka matunaw ako dito dahil sa mga titig ni Yuan. Nakakailang itong tumingin at hindi ko naman mabaling ang tingin ko dahil sa hinahawakan niya ng mahigpit ang kamay ko para makaharap sa kanya.

" Tsh'. Gabe kanina kapa hinahanap nila Kysler, ikaw talaga saan ka nalang nagsusu-sulpot. " sabi nito saka umakbay sa akin tapos ay ginulo ang buhok ko.

Tsk. Kuya!.

" Kuya ang bigat ng kamay mo " sagot at napakunot noo sa kanya.

" Hahaha ayos lang naman bunso amazona ka naman mas malaki pa nga muscles mo kaysa sa akin eh " sabi niya ng natatawa.

May gana pa talaga siyang magbiro. Siniko ko lang siya bilang tugon dito sinamaan ng tingin. 

Hindi siya nakakatuwa.Pero buti nalang talaga at dumating siya. Napataas naman ang sulok ng labi ko gusto kung ngumiti dahil sa sinabi ni kuya ngunit ko hindi magawa.

Napatingin naman ako kay Yuan na nakatayo lamang kaharap namin ni Kuya. Gusto ko sanang sabayan din si kuya dahil sa biro niya sa akin ngunit hindi dapat.

Dapat hindi ko maipakita sa kanya ang ugali ko noon. ang pagiging makulit at masayahin dahil iba na ako ngayon isang Gabe na ngayon ang kaharap niya at hindi ang nakilala niya noon.

Ang ugali ko noon ng pagigging masayahin at sa mga kuya ko lang ito dati naipapakita ngunit ng makilala ko si Yuan at ang ibang Knights at mga Bampira ay nabago iyon. 

Ngunit iyon ay naglaho na. Lahat ng iyon ay nakaraan lamang at ibinaon ko na ito sa limut kasama siya. Isang malaking katangahan ang nakilala ko pa siya ngunit hindi ako nagsisisi na naging Knight niya ako.

Tama. naging Master ko siya dati at doon ko pa siya lalo nakilala. Siya rin ang nakapagpabago sa akin, ginawa niya lahat para lang sa akin at masaya ako dahil doon. Ngunit hindi lahat ng mga pangyayari o  bagay ay permanente sa mundo may wakas rin ito.
 

Kagaya nang mga masasayang memorya  na mananatiling alaala na lamang.'

 "  oh, Gabe ano ba pinag-uusapan niyo ? " Nabalik lang ako sa aking katinuan ng tanungin ako ni kuya./ Ano nga ba ang pinag uusapan namin ?

" Wala kuya " sagot ko sakanya at napatingin kay Yuan na nakatitig pa rin sa akin mula pa kanina.

Bakit ba niya ginagawang komplikado ang lahat sa amin.

Wala ba siyang magawa sa buhay?.'

•••

SALAMAT XOXO❤

-C R A Y I S T E N

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon