CHAPTER 28

26 0 0
                                    


•••

GABE POV

Pagkatapos naming magsikainan at magkwentuhan sa canteen ay bumalik na kami sa classroom namin. Pagbalik namin ay nakita ko agad si Yuan naka tanaw sa may binta kung saan malapit ang upuan ko.

Bakit siya nandiyan?

Hindi ba siya bumaba?

Malay ko ba at wala akong paki. Pero kahit na ganun ay Master ko pa rin siya at responsibilidad ko siya.

Napabuntong hininga ako. Nagdadalawang isip kung lalapitan ba siya o huwag na lang.

Mula sa kinatatayuan ko ay kita kung may papalapit sa kanya. Isang babae. Napatingin naman siya agad doon.

Napataas ako ng kilay. Mukhang may nabiktima na naman dahil sa karisma nito. Na kahit walang gawin ay nakakahatak ng atensyon lalo na sa mga babae.

Naglakad ako patungo sa aking upuan kung saan sa likod nito ay nandoon sila.

Mapapagkamalan pa ata ako nitong nakikinig sa kanila.'

Eh sa dito ako nakaupo. Sila ang dapat magadjust at hindi ako.

" A-h H-hi! Yuan ito oh hindi ka kasi bumaba kanina kaya pinagbilhan kita baka kasi nagugutom ka. " sabi nung babae tingin ko ay classmate namin.

May mga paa iyan. Nagiinarte lang siguro kaya hindi bumaba. Tch.

" Salamat. Pero hindi ako nagugutom." Wika niya ng walang emosyon.

Kahit kailan talaga.'

"Ah. Ganun ba baka-"

" ikaw na lang ang kumain. Pasensya na."

Nilagpasan niya ito at napaupo sa upuan niya.

Kawawa yung babae. Kita mo sa mukha na nadismaya ito. Kaya bumalik na lang ito sa upuan niya.

Narinig ko ang pag alis ni Yuan na lumabas sa room. Saan kaya iyon?

Dapat ay sundan ko na ito. At heto nga ay naka sunod ako sa kanya. Master ko siya kaya responsibilidad ko siya. Tama Gabe isaksak mo iyan sa kukuti mo.

Nandito kami ngayon sa hallway ewan ko kung saan siya pupunta pero basta na lang ako sumunod. Sa tingin ko ay daan ito papunta sa rooftop. ano naman ang gagawin niya doon?

binuksan niya ang isang pintuan at pinauna ko muna siyang pumasok bago ako. At nang makapasok siya ay binuksan ko ito. Isang hagdan ang tumambad sa akin. Tama nga ako sa rooftop ang punta niya.

Pumanik na ako sa dulo ng hagdan maypintuan at binuksan ko ito. At laking gulat ko dahil hindi isang rooftop ang naabutan ko kundi isang madilim na silid na halos wala akong makitang kahit na isang ilaw. Anong nangyayari?

Nasaan si Yuan?

Pakiramdam ko ay may mali dito.

"Gabe"

Boses ni Yuan iyon.
Nasaan siya?

" Gabe"

Isang tinig ang nagsalita na lahat ng aking balhibo ay tumayo.
Sino iyon? ibang boses ibang tao ang nagmamay-ari nito.

Naglakad ako inilibot ang tingin ngunit wala akong makita tanging itim na kulay lamang ang nasa paligid.

" Sino ka?" Wika ko sa kawalan

" Angelica"

Isang malakas na ihip ng hangin at ang paligid ko ay nagbago ngayon ay napuno ng puno at mga bulaklak. Isang harden o kagubatan? Imposible ang lahat ng nakikita ko.

Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong ilusyon. Kung ganun sino ang may gawa nito? shit. Baka isa sa mga insane? May nakapasok kaya dito? Hindi pwede nanganganib ang mga estudyante dito.

sa isang malaking puno ay may naaninag akong tao. Papalapit sa akin. Isang lalaki. Tila pamilyar ang kanyang mukha at parang may kahawig ito.

anong ginagawa niya rito?

Siya yun. Iyung lalaki kanina? iyong nakita namin sa hallway papuntang canteen. Pero basi sa mukha niya ay mas matanda ito ngayon kaysa doon sa lalaki kanina. Mas matured ito kung titingnan mo. Kapatid kaya niya ito?

Ang tanong naman ano kaya ang pakay niya?

Nakatayo siya sa aking harapan titig na titig habang sinuri ang aking kabuoan.

" Angelica"

Napakunot ang aking noo. tinawag niya ako sa ikalawa kung pangalan

kilala niya ba ako?

Alam niya ang ikalawa kung pangalan.

" Maligayang pagbabalik Angelica aking mahal."

Aking mahal?

Nanayo ang aking balahibo dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Bakit Angelica ang tawag niya sa akin? Gulong gulo ang isip dahil sa mga naririnig ko sa kanya.

Humakbang siya ng isang beses at inilahad ang kanyang kamay sa akin.

" Halika ka na aking mahal."

Bigla na lang isang malakas na ihip na naman ng hangin ang dumaan at sa pagkakataong ito ay nagbago na naman ang paligid. Isang simbahan.

Nasa loob kami ng simbahan kita kong nagbago ang damit nito na naging damit pangkasal kulay puti. Ito ba ang mahika niya ang paggamit ng ilusyon?

Napatingin siya sa akin at ngumiti. at sa ikalawang pagkakataon ay inilahad niya ulit ang kamay nito sa akin.

" Halika aking mahal "

Shit. mahina kung mura.Naninigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko!  Ugghh.

T-teka ang damit ko rinpala ay nagbago mula sa aking uiform kanina ay isang puting bestida pangkasal.

May mali talaga dito. May kung sinong kumukontrol sa akin at sa pangyayaring ito. Hindi dapat ako magpadala sa mga nakikita ko.

Tangina.

Y-yuan tulong.

" Mahal ko halikana upang tayo ay mag-isang dibdib."

pinaglalaruan talaga ako ng kung sino man. Tsk

" hindi. Hindi ako ang babaeng tinutukoy mo!" Sigaw ko sa kanya at sinubukang umatras ngunit hindi ko magawa.

Agad namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa kaninang nakangiti ay ngayoy hindi maipinta ang itsura. nagliliyab sa galit ang mga mata niya.

" ikaw si Angelica! Ang babaeng mahal ko at papakasalan ngayon mismo.!"

Nahihibang ba siya? Eh baka nga hindi kami magkamukha nung Angelica niya. Napagkamalan pa ako.

" Ibang Angelica ang tinutukoy mo pasensya kana pero ako--"

"Hindi maaari! Magpapakasal tayo ngayon!"

Agad siyang lumapit sa akin. Naghuhumirintado sa kaba ang puso ko. Wala akong magawa hindi ko maigalaw ang paa ko! Kung sana ay kaya kung gamitin ang kapangyarihan ko subalit nasa loob ako ng isang ilusyon kaya maaaring hindi ito gumana.

Papalapit siya ng papalit. Galit na galit. Malapit na akmang kukunin ang kamay ko nang isang kamay mula sa likuran ang humigit sa akin. At akoy nalayo doon sa lalaki. 

Dahil sa paghigit sa akin ay napatama ako sa kanyang dibdib. Isang matipunong dibdib. napakalapit ko sa kanya. Teka ang amoy na ito!

Yuan.

Nagtaas ako ng tingin para malaman kung sino at nanlaki ang mata dahil sa gulat. tama nga ako. Dumating siya. 

" gabe ayos ka lang!?" bakas ang pag-aalala sa mukha nito. 


Ang aking Master ay  nandito at iniligtas ako.

•••

-C R A Y I S T E N

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon