CHAPTER 7

317 16 3
                                    

A/N: Sorry po kung matagal ang UD. 

Btw, Salamat sa mga nag babasa ng Vampire Knight.

 Yow! TheHun88

Pasensya na kung matagal ang UD. Salamat sapag babasa =)

Sorry ulit.




•••

Yuan POV

Nakalimutan niya ako ? O nagmamaang-maangan? Tsk!'

Alam kung hindi niya ako basta basta makakalimutan. Imposible.'

Bakit ganoon kagabi ay banggit niya pa ang pangalan ko.' Anong nangyayari?.

Akala ko pwede pang ibalik ang lahat ngunit sa tingin ko ay malabo ng mangyari iyon. Pero hindi ako susuko hindi kahit kailan. Umalis na ako pagkatapos marinig ang mga salitang iyon galing sa kanya.




Nagpunta ako dito sa lugar kung saan palagi kaming pumupunta. Kung pwede lang sanang ibalik ang lahat. 

Ahhhh! Nakakainis! Sana pala hindi ko nalang narinig iyon parang sinasaksak ang puso sa mga salitang iyon...

Ginulo ko nalang ang buhok ko at tumingin sa langit.

" Gabe naman bakit ganito? "

Pero wala na man akong magagawa kung nagbago na siya. Hindi ko lang matanggap na makalimutan niya ako. Ayoko ko nang mangyari ulit ang nangyari noon.



Isang nakagigimbal na pangyayari para sa lahat ng mga bampira. Ang pagkawala sa katinuan ng mga bampira at pagsalakay sa lahat ng tao. Kaming mga bampira ay nabubuhay ng mahigit 100 taon o di kaya higit pa roon ngunit ang tao ay bilang lamang ang oras nila.

Tao si Gabe at iyon ang ikinatatakot ko.'pero may dugo siyang bampira. Paano nangyari iyon?





Ako nga pala si Yuan ang totoo kung pangalan ay Yael Urielle Autumn Noctorne. Kilala ang angkan ng mga Noctorne sa pagiging bampira at pinakamainpluwesiyang tao sa buong mundo.

Yuan

 Iyan ang tawag ng lahat ng tao at bampirang nakakikilala sa akin. Ito na rin ang pagkakilanlan sa akin.

Isa akong Legendary Vampire.



Ang lahat ng mga bampirang tulad ko ay nag aaral sa VA o ang Vampire Academy. Sinasanay kaming lahat upang pamunuon ng mabuti ang ibang bampira. Nagmula sa angkan ng pamilyang Nocturne. isa magigiting na bampirang angkan.


Ang aking angkan ay isa sa pinakamataas na uri ng mga bampira kumbaga isa kami sa mga ginagalang ng mga mabababang bampira at ordinaryong bampira.


Iilan lang kaming mga Legendary Vampire simula pa ng isilang kami ay nakatadhana na sa amin ang pagiging Legendary Vampire. Dahil narin sa aming mga magulang nay may dugong legendary vampire.

Na iiba kami sa lahat ng mga bampira dahil sa kakaibang kapangyarihan na aming taglay. Bawat isa sa amin ay may natatanging kapangyarihan. Ngunit matutuklasan lang namin ito sa takdang panahon kung kami ay karapat dapat na.

Kasama namin ang mga Vampire Knight sila ang gumagabay sa amin sa Vampire Academy. Mayroong walong mga natatanging Knights tinatawag silang Legendary Vampire Knights.


Sigh'





" Sana dumating siya dito "






Di ko parin maiwasang magalit dahil sa sagot ni Gabe kanina. Aish! lagot talaga sa akin ang mga ugok na iyon. Psh.'Pero ina amin ko kasalanan ko naman eh. Kung-




Teka, may paparating. Nagtago ako sa likod ng puno upang malaman kung sino iyong paparating. Laking gulat ko ng si Gabe pala iyon. Hindi ko inaasahan na dito siya pupunta.

Naalala pa pala niya ang lugar na ito? .'

Napangiti na lamang ako. Wala na akong inaksayang oras at niyakap ko na lang siya patalikod. Nakakagaan sa loob napawi ang lahat ng galit at lungkot ko kanina dahil sa presensiya niya ngyon. Sobrang miss na miss na miss ko lang talaga siya. Higit pa sa sobra.'

Halata naman ata sapag yakap ko palang, ayaw ko na siyang bitawan pa. Pero wala siyang emosyong ipinakita. Iba na talaga siya.' Pagkatapos ng pagyayakap ko sa kanya aytumingin ako sa kanya. Ang ganda niya parin ngunit ang mga matang iyon ay puno ng lungkot at galit. 



" Yuan "



Bawat sambit niya ng pangalan ko sumasaya ako at napapangiti. Hindi ko lubos maintindihan ang nararamdaman kung saya. napawi iyon ng bigla tumunog ang phone niya kaya sinagot niya ito. Rinig kung pinapapunta na siya sa VA ng kanyang kapatid sabi niya.


Ng sabihin niyang kailangan ko nang umalis bigla akong nalungkot. Bakit ngayon pa ? Tsss. Gusto ko pa siyang makasama kaya humingi ako ng palugid. Extend 5 minutes lang naman.

Buti nalang at pumayag siya.'

Pagkatapos ng mga sandaling minuto na iyon ay tuluyan na siyang umalis. Nang umalis na siya ay hindi ko na pigilang pagtulo ng luha ko dahil sa lungkot na aking dama ngayon.

Kung ganoon naman pala hindi niya ako nakalimutan. Alam ko, at dama kung may nararamdaman pa ito sa akin. Kaya sisiguraduhin kung magiging akin siya ulit.

•••

A/N: Salamat sa mga nagbabasa. :)

-C R A Y I S T E N



VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon