CHAPTER 27

17 0 0
                                    


••• 

Gabe POV

Sa dinami dami ba na naman ng pwedeng pasukan na klase. Sa Class A-1 pa talaga. Dito pa sa amin. tsh.'

Nagpatuloy ang klase unang subject namin ay History. Nakikinig lang ako kay Miss Asuncion at hindi na pinansin ang presensya nila Yuan.

Ano ang gagawin ko? Salubungin sila ng tuwang-tuwa? Never! Kung hundi lang ako pinakiusapan ni Lolo hindi naman ako babalik.

*Pok*

Isang lukot na papel ang binato sa ulo ko. Pakyu. Mamatay na sana yung nagbato. Tch'

(-_______-)

Isang papel na lukot ang tumama sa ulo ko. isa lang naman ang nagbabato sa akin nun. Si Kysler...

Anong trip niya na naman?

Tumalikod ako at sinamaan siya ng tingin.Tinuro naman niya yung papel na binato sa akin.

Anong gagawin ko naman dito? Sabi ko. pero walang boses parang ginamit ko lang yung pagtingin sa papel.

Basahin mo. Bukangbibig niyang wika pero walang boses. Mahirap na at baka mabisto kami ni Miss. Binuksan ko ito.

Ito lang? Binato niya ako ng papel dahil dito. Seryoso ang lakas ng trip ng isang toh. Ang nakalagay lang naman ay.

" Welcome Back "

Iyon lang at wala nang iba. Ang galing talaga niya ang laki ng saltik sa utak. :3

Dinamay pa talaga yung ulo ko. Masakit kaya yun.. Tch'..

Kinusot ko ulit iyong papel at nilagay sa desk ko. Mamaya lagot ka sa akin maniningil ako. Bumaling ulit ako sa kanya at pinakatitigan siya ng masama. Ngumiti lang naman siya. Kaasar talaga!

Agad ko namang nahagip ang mga tingin ni Yuan mula sa kunauupuan niya. Nakamasid itong nakatingin sa akin o sa amin?  Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap at nakinig sa lecture hanggang sa matapos ito.

" Okay Class dismissed!" Anunsiyo ni Miss Asuncion at umalis.

Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko. Kaming walong VK ay nandito at magkaklase. Tumayo na rin ako at naglakad papalabas ng room ng agad akong pinigil nila Faye, Ray at Brylle. Nakangisi ang mga ito. Mukang may plano ata silang hindi ko alam...

" Tara na Gabe Girls bonding tayo ngayon." sabi ni Faye at hinawakan ang kamay ko.

Pwede naman kasing hindi hawakan hindi naman ako tatakas eh.

" Ang tagal na rin mula noong nagkasama tayo ng tayo-tayo lang. " dagdag ni Ray

" Oo nga " pagsang-ayon ni Bryle. Habang may hawak na libro.

Siya ang pinakatahimik sa amin. Yung hindi mo pansin na nandiyan siya kapag nagsalita doon mula lang malalaman. Ang kapangyarihan niya nakakatakot kaya niyang magsummon o pagtawag ng halimaw mula sa Inferno. Mga makapangyarihang mga demonyo..

Si Ray naman ay ang pagpagalaw ng hangin nakokontrol niya ito kaya niyang gawin anumang gustuhin niya.

Si Faye ay apoy. Nakokontrol niya ito at kayang gawin anuman ang gusto basta gamit ito kagaya ng kay Ray.

At ako? Isang kapangyarihan bumawi ng buhay kung nanaisin ko.

Lahat kami ay may natatanging kapangyarihan. At lahat ng ito ay maigi naming pinag ensayuhan at inaral ng mabuti. Dahil kapag hindi at lumampas kami sa aming limitasyon ay baka maging isa rin kami sa mga insane na bampira..

Masaya ako at nagagalak na nakabalik ngunit may hindi parin akong maintindihan sa lahat ng nangyari noon. Maaaring nakatadhana nga talaga ang lahat. *sighed*

" Tara na " wika ko sa kanila at sumunod naman silang tatlo.

Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay napapatingin ang mga estudyante sa amin. Hindi naman kami mga artista bakit ganyan kayo makatingin?

" Sikat ka talaga Gabe dito noh?" Panunuya ni Faye. I just glare at her. Limang taon akong nawala dito kaya for sure nagtataka sila sa akin.

Tsh'.

" Bilisan niyo na lang" sabi ko at naunang maglakad sa kanila ng biglang.

Blag!

" So-sorry po Mi-miss. S-sor-ry p-po t-tala-ga."

" Tsk. Look anong ginawa mo! Ughhh. So eww!"

Napahinto ako at napatingin sa banda kung saan ang ingay na iyon. lumapit ako ng kunti para makita.

Isang lalaking may makapal nasalamin ang nakayuko na may hawak na libro na nakarap sa isang babae. Mukhang natapunan ang babae dahil sa dumi ng uniform niya.

" Anong nangyari?" sunod nila Ray sa akin.

hindi ako sumagot at nakatingin lang doon. Sa lalaki at babae.

" Si Angel yun di ba?" tanong ni Faye. Tumango lang si Ray. Bryle naman walang imik at nakatingin lang doon.

Kilala pala nila.

" sino yun?" Tanong ko

Transfered student dito last year. Medyo bitch rin"

Medyo? Tsk. Parang pure bitch hindi bagay ang Angel na pangalan niya. Maganda pero hindi kasing ganda ng ugali niya.

" Tumingi  ka kasi sa dinadaan mo nerd! " sigaw niya at tinulak yung lalaki kaya natumba.

" So-sory p-po ta-l-laga" parang iiyak na sabi nung lalaki habang nakayuko.

Tahimik lang itong nakayuko. At ako naman at nakatingin lang sa direksyon nila. Bigla naman kumabog ang dibdib ko ng mapatingin sa gawi namin yung lalaki at magtama ang mga mata namin. Walang expresyon ang mukha niya ngunit bigla nalang itong napangiti. Ngiting demonyo. subalit ay agad iyong nawala bumalik sa nakakaawa ang itsura niya.

What the?  Imposible.'

" Umalis ka sa harapan ko! Alis!" Pagtabuyan ni Angel. Kumaripas naman ng takbo ang lalake papalayo. Nagsialisan narin ang mga estudyanyeng nagkulumpulan doon.

" Tara na at tapos na ang palabas." Wika ni Ray

Napabuntong hininga na lamng ako dahil sa nasaksihan naman at kami'y nagpatuloy papuntang canteen. Nang makarating kami ay nandoon na ang apat na lalake sina Adam, Andy, Ashtonn, at Kysler. kumaway naman ang mga ito sa amin.

Silang apat ay pawang magagaling sa pakikipaglaban gamit ang mga angking kapangyarihan ng bawat isa.

Si Adam ay kayang kontrolin ang dilim at anino ng tao. Si Andy ay isang salamangkero kaya niyang konrolin ang tubig at si Ashtoon ay may kapangyariha kontrolin ang mga metal na bagay. At ang huli si Kysler kaya niyang kontrolin ang mga kidlat sa kalangitan.

" Oy kala ko ba girls bonding ito." Bulong ni Faye

Aba malay ko ba. Tss..'

" Hayaan na lang natin para narin magkatipon-tipon tayo. Tara na gutom na ako. Kunyari pa itong si Faye gusto mo namang nandito dahil kay " Sabi ni Ray at naunang lumakad

" Ako rin." Pagsang-ayon ni Bryle at sumunod. Kaya naiwan kami ni Faye.

" Kunyari ka pa gusto mo naman" Pang-aasar ko at tumingin kay Adam.

" H-hindi no! Hali kana nga Gabe. Gutom na rin ako. Ha-ha-ha" at kinabig ang braso ko.

Haaay. Aaminin ko namiss ko rin sila. Napangiti na lang ako habang papalapit sa kanila. Napatingin ako sa gawi kung saan may poste at may anino ng tao pero ay agad na wala kaya itinuon ko ang tingin sa table kungsaan ang mga vampire knights.

Kailangan naming magmatiyag maigi dahil hindi namin alam kung sino tunay na kalaban.

•••

-C R A Y I S T E N

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon