•••
Vampire Academy [ VA ]
Habang nagpupulong ang mga bampirang ministro at mga Knights ay bigla namang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang isang napakagandang babae at walang emosyon ang ang mukha walang iba kundi si Gabe na isa mga Knights.
Pumunta siya sa gitna at nagbow sa harap ng mga bampirang ministro at sa ibang mga Knights
" Patawad po kung ngayon lang ako " sabi nito habang nakayuko
" Ayos lang sa susunod huwag ka ng mahuhuli sa mga ganitong klase na pagpupulong maliwanag ba ? wika ng nakatatandang bampirang
" Opo " sagot ni Gabe at yumuko pagkatapos ay pumunta na ito sa upuan ng mga knights kung saan siya na bibilang.
Sa upuan ng mga Knights ay nan doon ang walong Legendary Vampire Knights kasama na si Gabe doon. Bawat isa sa kanila ay may natatanging rango ( Rank ) at bawat isa din sa kanila ay may natatanging kapangyarihan.
[ Legendary Vampire Knights ]
Gabrielle Angelica Beatrice Elvarez [ Knight of Death ]
Kysler Ven Ectomy [ Knight of Rebellion ]
Adam Jacob Elwood [ Knight of Shadow ]
Faye Althea Rancifer [ Knight of Flame ]
Andy Rooke Sheridan [ Knight of Eternity ]
Ashtonn Vince Ferraro [ Knight of Illuminati ]
Bryle Neon Blake [ Knight of Inferno ]
Ray Ushelle Blackwell [ Knight of Aera ]
Iyan ang walong Legendary Vampire Knights. Silang walo ay anak ng mga natatanging bampira at tao. Mayroong mga damphir sa kanila at mayroon ding mga pure blooded vampire.
Nagsimula na ulit ang pagpupulong ng mga bampirang ministro at mga knights. Ngunit mababakas sa mata ni Gabe na hindi siya interesado sa pagpupulong. Napansin naman ito ni Kysler kaya lumapit siya rito at tinanong.
" Ayos ka lang ba Gabe ? " taong niya kay Gabe.
Napatingin naman si Gabe sa kanya at saka bumallik na sa katinuan niya
" Ah eh, ayos lang ako" sagot niya at umiwas ng tingin kay Kysler.
Hindi naman mawala sa isip ni Kysler kung anong gumagambala sa isipan ni Gabe. Napa buntong hininga na lamang ito at napa isip.
" Siya na naman ba ? " tanong ni kysler sa kanyang isipan
Sinulyapan ni Kysler si Gabe kung talagang ayos lang ba ito ngunit bakas sa mukha ni Gabe na hindi siya okay. Pinagsawalang bahala na lang niya iyon at tinuon ang pansin sapag pupulong.
-----------------------------------------------------------------------------------
GABE POV
Kanina pa ko tuliro dahil sa nangyari sa amin ni Yuan sa may puno. Ayoko na siyang isipin gusto ko na siyang kalimutan, ibaon sa limut ang lahat ng nakaraan na meron kami ngunit hindi iyon ganun kadali.
Sa gitna ng pagpupulong ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang labindalawang legendary vampires kaya ang lahat ng nandoon ay napukaw ang pansin nito.
Naglakad papunta sa gitna ng pagpupulong ang mga Legendary Vampires. Tumayo ang lahat at yumuko bilang pag galang sa mga ito at isang katahimikan ang bumalot sa silid ng pagpupulong.
Ang labindalawang legendary vampire ay ang siyang pinakamalakas na mga bampira at mayroong natatanging kapangyarihan. Sila rin ang mga bampirang ginagabayan ng mga Vampire Knights sa VA.
Nagpatuloy ang pagpupulong kasama ang Legendary Vampires. Habang ako naman ay hindi mapakali sa kina uupuan dahil nandito si Yuan nakatitig sa akin.
Ano bang ginagawa niya?! Dapat pala ay umiwas ako sa kanya kanina. Tsk.'
Hindi umiiwas ng tingin si Yuan kaya naman ay naiilang ako at hindi makapag fucos sa pagpupulong. Napatingin naman ako sa gawi ng aking mga nakatatandang kapatid na para magbibigay ng sign na hindi ako komportable.
At isa pa nandoon din si Larrence at ang dalawang lalaking kasama niya na humarang sa amin papunta sa dita sa VA ( Vampire Academy ).
" Kung hindi lang talaga kailangan na nandito. Tch." wika ko sa isipan.
Binigyan lang ako ng aking mga kapatid ng " Tiisin-mo-na-lang-look " kaya naman napabuntong hininga na lamang ako dahil wala naman akong mapagpipilian. Sumusulyap sulyap naman si Yuan sa akin at minsan naman ay nagtatama ang aming mata ngunit umiiwas naman kaagad ako sa kadahilanan na baka mapansin ito ng ibang bampira.
Sana pala ay hindi nalang ako bumalik. Tsh.'
Hindi ako makapag focus dahil bawat galaw ko ay palaging may matang nakasubaybay sa akin. Dalawang pares ng mata na naka matiyag sa akin at hindi ko iyon gusto. Kahit konting galaw ko lang ay napapansin niya. Lintik na.'
Hanggang sa natapos na ang pagpupulong at nagsilabasan na ang mga ministrong bampira at ibang kasapi. Mabuti naman at natapos na rin. Parang isang parusa sa akin ang pagdalo rito.
Pero ay akala ko lang pala. Nakalabas na ang iba at naiwan naman ang mga Vampire Knights kasama ang mga Legendary Vamps.
Putang ina talaga!.'
•••
A/N: EDITED PO!
-C R A Y I S T E N
BINABASA MO ANG
VAMPIRE KNIGHT: The Blood Moon
VampirePuno ng katanungan ang buhay ng isang tao. Hindi mo malaman kung lahat ba na nasa iyong paligid ay totoo o pawang kasinungalingan. Maaaring isang panaginip lang ang lahat at sa isang iglap ikaw ay magising sa realidad.